IQNA

3 Milyong Dayuhang mga Peregrino sa Iraq para sa Arbaeen aa Ngayon

16:34 - August 10, 2025
News ID: 3008730
IQNA – Mahigit sa 3 milyong dayuhang mga peregrino ang nakapasok sa Iraq upang lumahok sa taunang prusisyon ng Arbaeen, sinabi ng ministro ng panloob ng bansa.

Iraqi Interior Minister Abdul Amir Al-Shammari in Najaf on Friday, August 8, 2025.

Ginawa ni Abdul Amir Al-Shammari ang anunsyo sa isang pagbisita sa Lalawigan ng Najaf sa timog ng Iraq noong Biyernes.

Itinuro niya ang kahalagahan ng lalawigan na ito sa paglalakbay sa Arbaeen, na nagsasabi na sa panahon ng Arbaeen, milyon-milyong mga peregrino ang pumapasok sa Najaf, na alin kilala bilang pangunahing ruta para sa mga peregrino sa mahalagang okasyong ito.

Idinagdag ni Al-Shammari na ang mga puwersang tagapagligtas, mga pangkat ng pagtatanggol sibil, at mga serbisyong medikal sa Najaf ay nasa buong alerto.

"Sa karagdagan, ang mga yunit ng seguridad mula sa iba pang mga lalawigan ay pumasok din sa Najaf upang magbigay ng tulong."

Sinabi niya na ang planong pangseguridad para sa Arbaeen ay naipatupad nang maayos at ang bilang ng mga peregrino na patungo sa Karbala ay dumarami.

Sa sektor ng trapiko sabi niya, ipinatupad ang planong paghiwalayin ang mga ruta ng para sa mga taong naglalakad at sasakyan para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Inilarawan ng ministro ng panloob ng Iraq ang plano ng trapiko ngayong taon na mas mahusay kaysa sa nakaraang mga taon, na nagsasabing, "Salamat sa Diyos, ang bilang ng mga aksidente sa trapiko sa mga ruta ng mga peregrino ay nabawasan, at ang mga aksidente na naganap sa nakaraang mga taon at sa lahat ng mga lalawigan ay hindi na naulit."

Siya ay nagtapos sa pamamagitan ng pagturo na ang paglagay ng mga kamera sa pagmamasid at mga bagong radar, mga patrol sa mga kalsada, at ang buong kahandaan ng Pangkalahatang Direktoryo ng Trapiko ay nagkaroon ng napakapositibong resulta, na binibigyang-diin na ang lahat ay gumagana bilang isang solong selyula, at malaking pagsisikap ang ginagawa sa lahat ng mga antas upang matiyak ang kaligtasan at seguridad.

Ang Arbaeen ay isang panrelihiyong kaganapan na sinusunod ng mga Shia Muslim sa ikaapatnapung araw pagkatapos ng Araw ng Ashura, paggunita sa pagkabayani ni Imam Hussein (AS), ang apo ni Propeta Muhammad (SKNK) at ang ikatlong Shia imam.

Isa ito sa pinakamalaking taunang mga paglalakbay sa mundo, kasama ang milyun-milyong mga Shia Muslim, gayundin ang maraming mga Sunni at mga tagasunod ng iba pang mga relihiyon, na naglalakad patungong Karbala mula sa iba't ibang mga lungsod sa Iraq at kalapit na mga bansa. Ngayong taon, ang araw ng Arbaeen ay papatak sa Agosto 14.

 

3494169

captcha