Ang Ika-45 na Haring Abdulaziz na Pandaigdigan na Paligsahan para sa Pagsasaulo, Pagbigkas, at Pagpapakahulugan ng Quran ay gaganapin bukas sa banal na lungsod.
Ang kumpetisyon ay inorganisa at pinangangasiwaan sa pamamagitan ng Kagawaran ng Islamikonhg mga Gawain, Panawagan at Patnubay.
Ang mga kalahok mula sa 128 na mga bansa sa buong mundo ay lalahok, ang pinakamalaking bilang ng mga kalahok na bansa mula nang itatag ang kumpetisyon mahigit 45 na mga taon na ang nakararaan.
Ang Ministro ng Islamikong mga Gawain, Panawagan at Patnubay, si Abdullatif bin Abdulaziz Al Al-Sheikh, ay nagsabi, "Ang Kagawaran ay pinarangalan na ayusin ang prestihiyosong kumpetisyon na ito, na itinuturing na isa sa pinakakilalang pandaigdigan na mga kumpetisyon sa Quran."
Idinagdag niya, "Pinagsasama-sama nito ang isang piling pangkat ng mga magsasaulo ng aklat ng Diyos mula sa iba't ibang mga bansa sa buong mundo sa pinakabanal na lugar sa mundo taun-taon."