IQNA

Waqf, ang Pinakamagaling na Kontribusyon

8:00 - February 07, 2017
News ID: 2073651
Ang Waqf (pagkakaloob) ang pinakamabuting paraan para sa mga tao sa isang Islamikong lipunan na mag-ambag sa pagsulong ng Islamikong kultura pati na sa pakikitungo sa mga suliranin ng lipunan.
Ito ay ayon kay Javad Arianmanesh, miyembro ng Majlis ( Kapulungan ng Islamikong Pakonsulta) na siya ring nagbigay diin sa mahalagang papel ng Waqf sa edukasyon, mga abal-abal sa relihiyon, pag-aalaga sa kalusugan ang mga serbisyong pampubliko.

Kung ang kahalagahan ng Waqf ay maayos na maipapaliwanag, ang kultura ng Waqf ay sisibol sa lipunan at ang mga kontribusyon ng mga tao sa pamamaraan ng Waqf ay dadami, sinabi niya.

Ang ibig sabihin ng Waqf, sa Arabe, ay hawakan, pagkapiit at pagbabawal. Ang salitang waqf ay ginagamit sa Islam sa pagkakahulugan ng paghawak ng nakakasiguro ng isang ari-arian at ang pagpapanatili nito para sa benepisyo ng isang pagkakawanggawa at ang pagbabawal ng paggamit nito liban sa nakalaan rito.

737936
captcha