IQNA

Nagpunong-abala ang Yobe ng Pambansang Paligsahan ng Quran na Dinaluhan ng mga Magsasaulo mula sa 36 na mga Estado ng Nigeria

16:30 - May 19, 2025
News ID: 3008449
IQNA – Isang kumpetisyon sa pagsasaulo ng Quran ang ginanap sa Damaturu, kabisera ng estado ng Yobe ng Nigeria, noong Sabado.

Ang mga magsasaulo mula sa 36 na mga estado ng bansa at ang pederal na teritoryo ng kapital ay nakipagkumpitensiya sa pambansang kaganapan sa Quran.

Ang Kalihim Tagapagpaganap, sa Estado ng Yobe ng Arabic and Islamic Education Board (AISEB), si Malam Umar Abubakar, ay nagsabi na ang kaganapan ay inorganisa ng sangay ng Nigeriano ng Mohammed VI foundation para sa Aprikanong Ulama at nagpunong-abala ang pamahalaan ng Estado ng Yobe.

Ang isang araw na kumpetisyon ay nakipag-ugnayan sa mga kalahok sa kahusayan sa buong Quranikong pagsasaulo sa Warsh.

Ang nangungunang nagwagi ng kumpetisyon, ay kumakatawan ng Nigeria sa buong Aprika na panghuling yugto na magaganap sa Morokko.

Ayon sa kalihim ng lokal komite ng pag-aayos, si Prof. Adam Mustapha Jatkawy, ang kumpetisyon ay naglalayon sa pag-aalaga ng mga kabataang Muslim sa Nigeria at Aprika sa pag-aaral ng Banal na Aklat upang hubugin ang kanilang buhay sa lupa at sa kabilang buhay.

Sinabi niya na ang sangay ng pundasyon ng Nigeriano, sa ilalim ng pangulo, si Mufti Sheikh Sheriff Ibrahim Saleh Al-Hussaini, ay nagdala din ng mga Ulama (mga iskolar) upang itaguyod ang kapayapaan at palakasin ang Islam sa Aprika.

Ang Nigeria ay isang bansa sa Kanlurang Aprika. Tinatayang 50 porsiyento ng populasyon ng bansa ay Muslim, habang 40 porsiyento ay mga Kristiyano at 10 ang sumusunod sa lokal na mga relihiyon.

 

3493126

 

captcha