IQNA

13:32 - June 24, 2020
News ID: 3001810
TEHRAN (IQNA) - Ang United Nation Human Rights Council (UNHRC) ay magpatibay ng panukala na nanawagan sa Myanmar na lumikhâ ng mga kalagayan at magtatag ng plano na naaayon sa boluntaryo, ligtas, marangal at napapanatiling pagbabalik ng mga Rohingya at lahat ng mga taong takas at pinilit na inilipat na mga tao.

Ang panukala sa kalagayan ng karapatang pantao sa Myanmar ay binigyang diin din ang pangangailangan na mabisang paraan upang matugunan ang mga ugat ng mga paglabag sa mga karapatang pantao at pang-aabuso laban sa etnikong mga minorya, kasama na ang mga Muslim na Rohingya, sa Estado ng Rakhine.

Sa ika-43 na pulong nito, nagpatibay ang 47-kasapi ng UNHRC ang panukala noong Lunes sa Geneva sa pamamagitan ng boto ng 37 na pabor, 2 ang laban at 8 ang hindi bumoto.

Afghanistan, Argentina, Armenia, Australia, Austria, Bahamas, Bahrain, Bangladesh, Brazil, Bulgaria, Burkina Faso, Chile, Czech Republic, Denmark, Eritrea, Fiji, Germany, Italy, Libya, Marshall Islands, Mauritania, Mexico, Namibia, Netherlands, Nigeria, Pakistan, Peru, Poland, Qatar, Republic of Korea, Slovakia, Somalia, Spain, Sudan, Togo, Ukraine at Uruguay ay bumoto sa pabor.

Ang Pilipinas at Venezuela ay bumoto laban habang ang Angola, Cameroon, Demokratikong Republika ng Congo, India, Indonesia, Japan, Nepal at Senegal ay hindi bumoto.

Hinikayat ng UNHRC ang pamahalaan ng Myanmar na bigyan ng buo at walang hadlang na pakikitungo sa diplomatikong kuponan, malayang mga tagapagmasid at mga kinatawan ng pambansa at pandaigdigang malayang media, nang walang takot ng paghiganti, pananakot o pagsalakay, at alisin ang pagsira ng Internet sa mga esatado ng Rakhine at Chin na ipinatupad sa apat na mga bayan mula noong Hunyo 21, 2019, at limang higit pang mga bayan mula noong Pebrero 3, 2020.

Pinupuri ng panukala ang patuloy na mga pagsisikap at pangako ng makataong ginawa na ang pamahalaan ng Bangladesh, sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng Nagkakaisang Bansa (United Nation) at ang pandaigdigang pamayanan, kasama ang lahat ng makataong mga aktor, ay pinaabot sa mga Rohingya na tumatakas sa mga paglabag sa mga karapatang pantao at pang-aabuso sa Myanmar.

Tinanggap din ng konseho ang kautusan ng Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan noong Enero 23, 2020, sa kasong isinampâ ng Gambia laban sa Myanmar sa pagpapatupad ng Kapulungan ng Pagtatanggol at Pagparusa ng Krimen ng Pagpuksâ ng mga Tao, na nagtapos na katibayan sa unang malas, ang hukuman ay may angkop sa pangangasiwa upang harapin ang kaso, na natagpuan na ang mga Rohingya sa Myanmar ay lumitaw na bumubuo ng isang "protektado na pangkat" at mayroong isang tunay at napipintong panganib ng hindi maihahambing na pagkiling sa mga karapatan ng mga Rohingya sa Myanmar, at kung saan ay nagpahiwatig ng pansamantalang mga hakbang laban sa Myanmar.

Nagpasya din ang UNHRC na paabutin ang kautusan ng Natatanging Lupon sa kalagayan ng karapatang pantao sa Myanmar para sa karagdagang panahon na isang taon, hiniling ang bagong may-ari ng kautusan na magharap ng ulat sa kalagayan doon sa Konseho ng mga Karapatang Pantao sa ika-apatnapu't apat at ikaapatnapu't limang mga pagpupulong at magsumite ng ulat sa Ikatlong Komite sa ikapitumpu't lima na pagpupulong ng Pangkalahatang Pagtitipon ng UN at sa konseho sa ika-apatnapu't anim na pagpupulong, alinsunod sa taunang palatuntunan ng trabaho.

Inanyayahan din nito ang Natatanging Lupon na magpatuloy na subaybayan ang kalagayan ng karapatang pantao at sukatin ang pag-unlad sa pagpapatupad ng mga tagubilin na ginawa ng may-ari ng kautusan.

Hiniling pa ng konseho sa Natatanging Lupon na magsagawa ng pampakay na pananaliksik na may pananaw upang masubaybayan ang pagpapatupad ng mga tagubilin na ginawa ng malayang pandaigdigang hangarin sa paghahanap ng katotohanan sa Myanmar at magbigay ng detalyadong mga kaunlaran sa mga isyu na sakop ng misyon sa mga ulat nito at silid ng pagpupulong na mga papel.

 

 

3471760

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: