IQNA

Ang Kilusang Lebanon ay Itinuligsa ang Paglalakbay ni Netanyahu sa Saudi Arabia

6:37 - November 25, 2020
News ID: 3002269
TEHRAN (IQNA) – Itinuligsa ng Kilusang Amal na Islamiko ng Lebanon ang kamakailang lihim na pagbisita doon sa Saudi Arabia ng punong ministro ng Israel.

Sa isang pahayag na inilabas noong Lunes, inilarawan ng kilusan ang pangyayari bilang "mapanganib", na idinagdag na ang paglalakbay ni Benjamin Netanyahu at sa kanyang pagpupulong sa Prinsipeng Tagapagmana ng Korona ng Saudi na si Mohammed bin Salman ay isang pagtataksil sa mga bansang Arabo at Muslim, iniulat ng website ng al-Kalima Onlayn.

Dagdag nito na ang mga bansang Muslim ay dapat maging mapagbantay sa harap ng mga gawa ng pagtataksil ng ilang mga rehimen.

Ang pahayag din nagbigay diin sa pangangailangan para sa pagkakaisa laban sa naturang mga plano at hakbang na naglalayong gawing normal ang ugnayan sa rehimeng Zionista.

Ang kilusang paglaban ng Palestinong Hamas ay itinuligsa din ang lihim na paglipad ni Netanyahu patungo sa Saudi Arabia, kung saan inulat na nakipagkita siya kay bin Salman at Kalihim ng Bansa ng Estados Unidos na si Mike Pompeo, na tinawag ang hakbang na isang "insulto" doon sa layunin ng Palestino.

Inilarawan ng tagapagsalita ng Hamas na si Sami Abu Zuhri na ang pagpupulong ng primero ministro ng Israel, na kung saan inulat na naganap sa Neom sa baybayin ng Pulang Dagat (Red Sea) ng Saudi Arabia, bilang "mapanganib" at hinimok ang mga awtoridad ng Saudi na "linawin kung ano ang nangyari sapagkat ito ay kumakatawan sa pag-insulto doon sa bansa at ang pag-aaksaya ng mga karapatan ng Palestino."

Ang isang miyembro ng kabinete ni Netanyahu at partido ng Likud noong Lunes ay kinumpirma ang mga ulat na si Netanyahu ay pumunta sa Saudi Arabia para sa isang lihim na pagpupulong kasama sa de facto na pinuno ng kaharian at ang kalihim ng estado ng Estados Unidos.

Mas maaga sa araw, sinabi ng pampublikong radio ng Israel at Radyong Hukbo na ang pinuno ng Mossad na si Yossi Cohen na dumalo rin sa pagpupulong.

Ang pagpupulong noong Linggo ay minarkahan ang unang kilalang pagtagpo sa pagitan ng matataas na mga opisyal ng Israel at Saudi, sa gitna ng mga pagtatangka ni Pompeo na hikayatin ang rehimeng Riyadh na sundin ang mga kapit-bahay nito, ang United Arab Emirates at Bahrain, sa pagtatag ng pormal na diplomatikong relasyon sa Israel.

 

 

3473209

captcha