IQNA

Mga Makata mula sa 25 na mga Bansa ang Naglaban sa Pandaigdigang Piyesta ng 'Propeta ng Awa'

16:03 - November 10, 2025
News ID: 3009064
IQNA – Mga makata mula sa 25 na mhga bansa ang nagsumite ng humigit-kumulang 1,500 na mga tula sa Pandaigdigang Piyesta ng Tula “Propeta ng Awa”, na ginanap bilang parangal sa ika-1500 anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Muhammad (SKNK).

Poets from 25 Countries Compete in Int'l 'Prophet of Mercy' Festival

Ipinahayag ni Hossein Divsalar, Pangalawang Pinuno para sa Pagpapaunlad ng Siyentipiko at Kultural na Kooperasyon sa Islamic Culture and Relations Organization (ICRO), na ang piyesta ay nakatanggap ng mga tula mula sa buong mundo ng mga Muslim at maging sa labas nito.

Sa isang kumperensya sa prensa, sinabi niya na ang kaganapan ay inorganisa ng ICRO sa pakikipagtulungan sa Ibrahim Institute ng Kuwait, sa Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Iran, sa Embahada ng Iran sa Kuwait, sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isfahan, at sa Islamic Azad University ng Isfahan (Sangay ng Khorasgan). Ayon kay Divsalar, idineklara ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) ang taon na ito bilang “Taon ng Propeta ng Awa” matapos ang mungkahi ng Iran. “Layunin ng Piyesta na parangalan ang mga moral at makataong aral ni Propeta Muhammad (SKNK) at ipakita ang kanyang papel bilang sugo ng kapayapaan,” sabi niya.

Idinaos ang kumpetisyon sa wikang Persiano at Arabiko. Ang mga makata mula sa Iran, Kuwait, Iraq, Tajikistan, Oman, Saudi Arabia, Yaman, Qatar, UAE, Bahrain, Syria, Lebanon, Jordan, Ehipto, Palestine, Libya, Tunisia, Algeria, Nigeria, Turkey, Sweden, Bangladesh, Afghanistan, India, at Pakistan ay nagsumite ng kanilang mga gawa.

Kabilang sa pangunahing mga tema ang “Pagkatao at Etika ng Propeta,” “Ang Propeta bilang Awa sa mga Mundo,” “Kapayapaan at Katarungan sa Tradisyon ng Propeta,” “Patnubay para sa Sangkatauhan,” “Pagkakaisa ng mga Muslim,” “Pagpagtanggol sa mga Inaapi,” at “Katarungan sa Pamana ng Propeta.” Ayon kay Divsalar, labindalawang mga makata—anim na sumusulat sa Persiano at anim sa Arabiko—ang pipiliing mga nagwagi.

Gaganapin ang seremonya ng pagtatapos sa Lunes, Nobyembre 10, sa Islamic Azad University ng Isfahan.

Dalawang mga tomo ng tula, isa sa wikang Persiano at isa sa Arabiko, ang ilalabas sa nasabing kaganapan. Inilarawan ng kalihim ng agham ng piyesta na si Alireza Qazveh ang isinumiteng mga tula bilang “kahanga-hanga,” at binanggit na 900 na mga tula sa Persiano ang natanggap, na higit sa kalahati ay karapat-dapat mailathala. “Napakaganda ng resulta kaya napagdesisyunan naming tipunin ang mga ito sa dalawang mga aklat—250 na mga pahina sa Persiano at 350 na mga pahina sa Arabiko,” sabi niya.

Idinagdag niya na parehong mga bihasa at baguhang mga makata ang lumahok, kung saan karamihan sa mga tulang Arabiko ay isinulat bilang mga qasida at ang mga tulang Persiano naman ay mga ghazal.

Binigyang-diin ni Qazveh na ang piling mga tula ay maaaring gamitin sa iba pang pangkultura na mga kaganapan at mga produksiyong pampanitikan.

 

3495320

captcha