IQNA

Ipinagtanggol ng mga Bayani ang Panrelihiyoso, mga Hangganang Pangkultura Bukod sa mga Pangheograpikal: Pinuno

6:22 - December 03, 2021
News ID: 3003459
TEHRAN (IQNA) – Sinabi ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei na ipinagtanggol ng mga bayani ang pangkultura, panrelihiyon at espirituwal bukod pa sa pagtatanggol sa mga hangganan ng pangheograpikal.

Ang sumusunod ay ang buong teksto ng talumpati na binigkas noong Nobyembre 21, 2021, ni Imam Khamenei, ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko, sa isang pagpupulong kasama ang mga opisyal na namamahala sa pagsasagawa ng mga Bayani ng Ilam sa Seremonya ng Paggunita. Ang mga pahayag ni Imam Khamenei sa pagpupulong na ito ay nai-brodkas noong Huwebes, Disyembre 2, sa lugar ng mga Bayani ng Ilam na Seremonya ng Paggunita.

Sa Ngalan ng Panginoon, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin

Purihin ang Diyos, ang Panginoon ng mga Mundo, at ang kapayapaan at pagbati ay mapasa ating Amo, si Muhammad, at sa kanyang dalisay na Sambahayan.

Malugod kayong tinatanggap dito, mahal na mga kapatid. Nagpasalamat ako ng marami sa pag-aayos sa itong Seremonya ng Paggunita at sa paggawa ng napakahalagang hakbang na ito. Nakita ko ang pagtatanghal bago pumasok sa Husayniyyah, at ang mga serbisyong ibinigay ay napakahusay. Siyempre, ang itong sa gilid, pagataguyod na mga aktibidad ay dapat na isagawa nang husto sa gayong mga seremonya ng paggunita, at umaasa ako na tulungan kayo ng Panginoon na gawin iyon.

Sa panahon ng Sagradong Depensa, ang Ilam ay parang isang malakas na kuta. Bagama't ang ilang mga lungsod ng lalawigan ay nawala sa loob ng maikling panahon - ang ilang mga lugar sa lalawigan ay inookupahan ng marahas na Munafiqeen [MEK] - ang lalawigan ay nakatayong matatag na parang bundok, katulad ng Tuktok ng Meimak kung saan ako nakatayo at kung saan aking nasaksihan ang kahanga-hangang gawain ng ating mahal na mga sundalo. Ang lalawigan ng Ilam ay nanindigan sa mabagsik na kaaway, si Saddam at ang kanyang mga katuwang, katulad ng tuktok na iyon.

Una sa lahat, ang lalawigan ay sinalakay nang mas maaga kaysa sa ibang mga lalawigan, katulad ng binanggit ng mga ginoo sa pagpupulong na ito. Sinalakay ng kaaway ang Ilam bago nito opisyal na sinalakay ang Tehran at iba pang mga bahagi ng bansa. At ang unang bayani – si bayaning Shanbei, katulad ng itinuro ng isa sa mga ginoo - ay talagang bayani bago sumiklab ang digmaan sa Ilam. Sa madaling salita, ang buong mamamayan ng lalawigan ng Ilam ay kabilang sa mga sangkot sa Sagradong Depensa.

Nang maglaon, naganap din ang ilang kakaibang mga kaganapan sa Ilam. Sa kasamaang palad, hindi alam ng ating sariling mga tao ang mga pangyayaring ito, lalo na ang ibang mga bansa na interesadong malaman ang mga pangyayari at mga kaganapan sa ating bansa. Kahit ang sarili nating mga tao ay hindi alam ang mga pangyayaring ito, lalo na ang mga bansang iyon. Isa sa mga pangyayaring iyon ay ang pambobomba ng isang putbol na laro kung saan naglalaro ng putbol ang mga bata noong taong 1365 AH [1987 AD].

Noong Pebrero 12, 1987, dalawang batang mga koponan mula sa Ilam ang naglaro putbol bilang paggunita sa ika-7 na tagumpay ng Rebolusyon. Ang mga tao ay nagtipon doon pati na rin ang mga manonood, ngunit isang Iraqi na eroplano ang humampas sa kanila mula sa malapitan. Sa madaling salita, alam nito kung ano ang nangyayari doon. Hindi ito ang kaso na naghulog iyon ng mga bomba nang hindi sinasadya. Sinadya nitong ihulog ang mga ito na may layunin, at bilang resulta, 10 sa mga manlalaro ng putbol ay namatay. Namatay din ang reperi, ilang mga bata at ilang mga manonood. Ito ay hindi isang maliit na pangyayari. Ito ay isang napakahalagang kaganapan.

Ito ay kinakailangan para sa mga kaganapang ito na ipaalam sa mga tao sa isang pandaigdigang antas. Dapat silang paulit-ulit na banggitin dito at doon, dahil ito ang mensahe ng kawalang-kasalanan ng ating mga bayaning athletiko sino ang tanging krimen ay nag-organisa sila ng putbol na laro para sa Islamikong Republika. Sa suporta ng aling kapangyarihan ginawa ng malisyosong Saddam ang kakila-kilabot at walang-hiya na krimen? Sino ang nasa likod sa kanya?

Ang parehong mga tao na dating sumusuporta sa uhaw sa dugo na lobo sa araw na iyon ay nag-aangkin na mga tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao ngayon! Inilalarawan nila ang kanilang sarili bilang mga tagapag-alaga ng mga karapatang pantao sa buong mundo. Napakaraming kabastosan at kawalanghiyaan sa mga pagkilos ng mga kapangyarihang ito. Sino ang dapat magbunyag ng kanilang tunay na kulay? Sino ang dapat magbunyag ng mga katotohanang ito? Ang ating mga artista at ating mga manunulat ay may mabigat na pasanin sa kanilang mga balikat. Mayroon silang mabigat na tungkulin. Ang mga bagay na ito ay dapat iharap sa mundo gamit ang sining bilang kagamitan. Dapat silang gumawa ng mga pelikula tungkol sa mga kaganapang ito. Sa kaso ng masaker sa putbol na laro, dapat silang magsulat ng mga kuwento, gumawa ng mga pelikula at gumawa ng mga alaala. Ang mga kilos na ito ay dapat gawin.

Isa sa kakaibang mga katangian ng lalawigan ng Ilam ay mayroong mga pamilyang may dalawa, tatlo, apat, lima, anim o sampung mga bayani – gaya ng itinuro ng mga ginoo. May isang pamilya na may sampung mga bayani, isa pa may siyam, isa pa may walo at ilan may lima o anim na mga bayani. Ito ay madali lamang sa mga salita, ngunit talagang mahirap isipin ito. Ganito ang Ilam. May ganoong mga pamilya sa Ilam. Iyon ay binanggit na ilang mga kaanib ng mga pamilyang ito ang dumalo sa Seremonya ng Paggunita. Sana ay ipagkaloob ng Panginoon ang Kanyang awa at biyaya sa inyong lahat.

Ang isa pang katangian ng Ilam ay ang buong pusong pagkakaroon ng mga tao mula sa lahat ng panlipunang mga karanasan, mula sa mga iskolar hanggang sa karaniwang mga tao. Halimbawa, ang yumaong si Sheikh Abdulrahman Heidari (nawa'y mapasa kanya ang awa ng Panginoon) ay kasama ko sa mga Burol ng Meimak. Siya ang kasama ko sa itaas ng tuktok na iyon. Siya ang kasama ko kahit saan ako magpunta. Ilang beses akong bumisita sa Ilam, bago at pagkatapos ng aking pagkapangulo. Siya ay laging naroroon sa larangan ng labanan habang siya ay nabubuhay. Kukunin niya ang kanyang baril at handang lumaban sa lahat ng oras sa tunay na kahulugan ng salita.

Totoo rin ito sa mga karaniwang tao at sa maraming mga tribu sa Ilam. Iyong sinuman na kayang lumaban ay nagdoon sa larangan at tumulong sa paglaban ang masa ng mamamayan. Ang isa sa mga ginoo sa pagpupulong ay nagpahayag na ang mga tao ay hindi umalis sa lungsod. Ako mismo ay nakakita nito sa aking sariling mga mata sa lungsod ng Ilam. Ang mga eroplano ng kaaway ay palaging humahampas sa lungsod nang paulit-ulit. Sa mga panahong iyon, walang mananatili sa mga lansangan at ang mga tao ay pupunta sa isa sa mga disyerto o mga kagubatan sa paligid ng lungsod. Pagkatapos ng pambobomba, babalik sila sa lungsod. Ibig sabihin, ang ganitong paraan ng pag-aalis at pagbabalik sa lungsod ay naging isang nakagawiang aktibidad para sa mga tao. Ngunit hindi sila lubusang umalis sa lungsod o lalawigan, at sila ay nanindigan ng malakas.

Sa panahon ng mga pambobomba na iyon at sa mahirap na kalagayang iyon, lumaki ang isang henyo, si Bayaning Rezaei-Nejad. Si Bayaning Rezaei-Nejad ay isang siyentipikong nukliyar sino naging bayani. Ang kanyang pang-agham na kahalagahan ay napakalaki na nadama ng kaaway na ang kanyang pag-iral ay makakatulong sa pag-unlad ng Islamikong Republika, at sa ganon kanilang pinaslang siya. Pinatay nila siya sa harap ng kanyang asawa at maliit na anak na babae. Ginugol ng batang siyentipikong iyon ang kanyang kabataan sa pagsaksi sa mga pambobomba na iyon at sa mahihirap na kalagayan sa Ilam. Sa madaling salita, ang mga panggigipit na dala ng kaaway at digmaan hindi makapigil sa mga tao sa lalawigang ito na ipakita ang kanilang mga karunungan. Ito ay napakahalaga. Ang mga taong katulad nitong mahal na bayani - Bayaning Rezaei-Nejad - ay may mataas na espirituwal na katayuan pati na rin ang isang siyentipikong kalagayan. Ang dahilan ng kanilang mataas na espirituwal na katayuan ay ang katotohanan na sila ay naging bayani, dahil ang pagkabayani ay hindi madaling makamit. Ang pagiging bayani at ang pagkuha ng ranggo na ito ay nangangailangan ng pagkakaroon ng ilang mga kinakailangan sa kalikasan at pagkilos ng mga pansarili. Kung wala ang mga kinakailangan na ito, ang pagkabayani ay hindi ipinagkaloob sa sinuman. Ang batang siyentipikong iyon ay nagtataglay ng mataas na espirituwal na katayuan, at iyon ang dahilan kung bakit siya naging bayani. Kung hindi, hindi magiging bayani ang isang tao kung wala ang mga katangiang ito.

Ang isang mahalagang punto ay ang lalawigan ng Ilam ay nagbigay ng higit sa tatlong libong mga bayani. Ang ibang mga lalawigan ay nagbigay din ng bawat isa ng maraming mga bayani na naaayon sa kanilang mamamayan at kanilang kalagayan. Dapat nating maunawaan nang tama ang palagay ng pagkabayani dahil ang pagiging bayani ay hindi nangangahulugan ng pagiging biktima lamang ng digmaan. Buweno, maraming mga tao ang nakikilahok sa mga digmaan at napatay sa mga digmaan dahil sa kanilang mga bansa. Marami sa kanila ang napatay sa pagtatanggol sa mga hangganang pangheograpikal ng kanilang bansa at naaalala bilang mga makabayan at mga bayani. Siyempre, ang ilan ay mga mersenaryo, ngunit ang iba ay naaalala katulad ng sinabi ko.

Gayunpaman, ang ating mga bayani ay hindi ganito. Ang mga sundalo natin na namatay o may kapansanan ay hindi lamang nagsisikap na ipagtanggol ang mga hangganan ng pangheograpikal ng bansa. Nagpupumilit din silang ipagtanggol ang mga hangganan ng paniniwala, kabutihang-asal, relihiyon, kultura at mga hangganang espirituwal. Siyempre, ang pagtatanggol sa mga hangganan ng bansa ay isang mahalagang gawain sa sarili nito. Ito ay may halaga, ngunit hindi ito kasinghalaga ng parehong pakikipaglaban para sa mahahalagang mga konseptong ito at pagtatanggol sa mga hangganan ng bansa. Ang mga bayani natin ay ganito.

Kung nais nating tingnan ito sa mas mataas na antas, ang ating mga bayani ay sa katunayan ay ang pagpapakita ng talatang ito, "Katotohanang binili ng Allah mula sa mga matapat ang kanilang mga kaluluwa at ang kanilang mga ari-arian para sa paraiso upang mapasa kanila." [Banal na Qur’an, 9:111] Sa madaling salita, hinarap nila ang kanilang buhay sa Panginoon. Ganito ang mga bayani. May isa pang banal na talata na nagsasabing, “Kabilang sa mga mananampalataya ay mga tao na tumupad sa kanilang ipinangako kay Allah. Sa kanila ay may ilan na tumupad sa kanilang pangako, at sa kanila ay may ilan na naghihintay pa rin." [Banal na Qur’an, 33:23] Sila ay tapat sa pangako na kanilang ginawa sa Panginoon, ang Dakila. Ang bayani ay ganito. Ang pagiging bayani ay isang gawa ng paggawa ng pangako at pakikitungo sa Panginoon.

Kaya naman nakikita mo na ang mga sundalong lumalaban sa daan ng Panginoon ay iba mula sa karaniwang mga sundalo sa mundo. Iyong mga nakasaksi sa inyo sa Sagradong Depensa at sinuman sa inyo nakabasa ng mga aklat tungkol sa paksang ito ay tiyak na alam na ang banal na mga sundalo sa Sagradong Depensa, o ang mga sundalong nagtanggol sa ibang mga lugar katulad ng pagtatanggol sa mga Banal na Dambana at iba pa, ay mas dalisay sa panahon ng pakikipaglaban at sa larangan ng labanan kaysa sa ibang panahon. Higit din silang umaasa sa Panginoon, nagpapakita ng higit na pagpapakumbaba at mas maingat na sinusunod ang mga hangganan ng Panginoon.

Karaniwan sa mundo para sa isang matagumpay na hukbo ang pagnakawan, pandarambong at pagsasagawa ng matinding kalupitan sa isang lungsod, ngunit hindi ito ang kaso ng ating mga sundalo. Kahit manalo man ang mga lumalaban sa daan ng Panginoon, hindi lamang bumababa ang kanilang kabanalan at hindi sila tumitigil sa pagsunod sa mga hangganan ng Panginoon, mas maingat pa silang sundin ang mga hangganan ng Panginoon dahil sa kanilang pasasalamat sa kanilang tagumpay. Ang aming mga sundalo ay kukuha ng ilan sa mga kaaway na bihag. Ito rin ang kalaban sino magpapahirap at mangha-haras sa ating mga bihag mula noong sila ay binihag hanggang sa pagpasok nila sa kampo kung saan sila ikukulong. At malinaw kung ano ang ginawa nila sa kanila sa mga kampong iyon. Ngunit kung bihagin ng ating mga sundalo ang parehong mga taong iyon, pagagalingin nila sila kung sila ay nasugatan at bibigyan nila sila ng tubig kung sila ay nauuhaw. Itrato nila ang mga ito na parang isa sila sa kanilang sarili. Kaya, ang mga ito ay napakahalagang punto.

Ang pamumuhay ng Islam na nakikita sa pag-uugali ng ating mga kawal at ng ating mga bayani ay napakahalaga upang balewalain. Napakaraming mga puntong pampasigla na makikita sa mga buhay ng ating mga bayani na dapat talagang ipakita ng ating mga artista ang isang masining na larawan nito para sa buong mundo. Dapat nilang ipakilala sa mundo ang mga sundalong Iraniano. Dapat nilang ilagay ang ating mga sundalo sa harap ng mga mata ng mga tao sa buong mundo kasama ang kanilang mga dakilang gawang sining.

Mabuti, ang Seremonya ng Paggunita na inyong isinasaayos ay dapat na magbukas ng ating mga tainga sa mensahe ng mga bayani. Sinasabi nila sa atin, “[Ang mga bayani] ay nagagalak para sa mga hindi pa sumasama sa kanila mula sa [mga naiwan] sa likuran nila na hindi sila matatakot, o sila ay magdalamhati.” [Banal na Qur’an, 3:170] Ang landas na ito ay isang malaya sa anumang takot, pagkabahala at pag-aalala dahil ito ang landas ng Panginoon.

Dapat tayong maging matatag sa landas na ito at kumilos nang may lakas. Hindi tayo dapat malihis sa landas na ito sa mga tukso ng mga kaaway. Dapat dagdagan ng bansang Iraniano ang pagkakaisa, pagkamatatag, paggaganyak at pagsisikap nito kapag narinig nito ang mensahe ng mga bayani. Ito ang mensahe ng mga bayani sa atin. Kapag naririnig ang mensahe ng mga bayani, ang mga opisyal ng Islamikong Republika ay dapat na maging mas may panagutan sa lipunan at tiyakin ang seguridad sa paraang ginawa ng mga bayani. Dapat madama ng bawat isa ang may-pananagutan. At lahat tayo ay dapat bigyang-pansin ang katotohanang ito na walang bansang makakarating saanman nang walang kasipagan, pakikibaka sa daan ng Panginoon at nagtitiis ng mga paghihirap. Kung mayroong anumang mga paghihirap, ang pagtitiis sa mga paghihirap na iyon ay makakatulong sa bansang Iraniano na maabot ang rurok, sa kalooban ng Panginoon.

Umaasa ako na ang Panginoon, ang Kataas-taasan, ay magkaloob ng tagumpay sa inyong lahat, na Kanyang ipagkaloob ang Kanyang awa at kapatawaran sa mahal na mga bayani ng Ilam at lahat ng mga bayani ng bansa, na Kanyang iugnay ang ating dakilang Imam – sino nagbukas ng landas na ito upang sa amin at sino naghatid ng patnubay sa mga tao ng bansa – kasama ang Kanyang mga Kaibigan, kasama ang dakilang patnubay na dumating sa buong kasaysayan, kasama ang mga propeta at kasama ang mga Imam (mapasakanila ang pagbati), at ipagkakaloob din Niya sa inyo ang tagumpay.

Ang mga paksang tinalakay ng mga ginoo - ang mga mungkahi at mga kahilingan na kanilang iniharap - ay pangunahing nauugnay sa mga organisasyong tagapagpaganap. Ang mga ito ay dapat isumite sa kanila, ngunit hihilingin ko sa kanila na ituloy ang usapin. Dapat ninyo ring ituloy ang bagay na ito. Aking gagawin rin.

Sumainyo nawa ang mga pagbati, awa at pagpapala ng Panginoon.

 

Pinagmulan: Khamenei.ir

 

 

3476756

captcha