Nagpasya ang Saudi Arabia na pagaanin ang ilan sa mga paghihigpit na nauugnay sa COVID-19 kabilang ang pagtanggal ng pagbigay agwat sa bawat isa sa loob ng mga moske.
Ang bagong kapasiyahan ay nangangahulugan na ang mga sumasamba ay maaaring magdasal sa Dalawang Banal na mga Moske at bisitahin ang libingan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) nang hindi na nangangailangan ng anumang mga pahintulot
Ang Kagawaran ng Hajj at Umrah ay inihayag noong Sabado na hindi na kailangan para sa pagkuha ng pahintulot at pagkuha ng pagtatakda upang magsagawa ng pagdasal sa Dakilang Moske sa Makkah.
Ang bagong kapasiyahan ay nangangahulugan na ang mga sumasamba ay maaaring magdasal sa Dalawang Banal na Moske at bisitahin ang libingan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) nang hindi na nangangailangan ng anumang mga pahintulot.
Inihayag ng kagawaran na ang pagbibigay ng mga pahintulot ay ilalapat pa rin upang magsagawa ng Umrah at magdasal sa Al-Rawdah Sharifa.
"Ang pagpapakita ng katayuan sa kalusugan na ligtas sa aplikasyon ng Tawakkalna ay ang tanging kinakailangan upang makapasok at magsagawa ng pagdasal sa Dalawang Banal na Moske," sinabi ng kagawaran.