IQNA

Ang Samahang Pandaigdigan ng Muslim ay Nagdaos ng Pagpupulomg sa Karaniwang mga Kalahagahan sa Pagitan ng Panrelihiyon na mga Tagasunod

6:37 - May 14, 2022
News ID: 3004072
TEHRAN (IQNA) – Ang mga pinuno ng panrelihiyon at mga iskolar mula sa iba't ibang bansa ay dumalo sa isang pagtitipon tungkol sa "Karaniwang mga Kahalagahan sa Panrelihiyon sa Pagitan ng mga Tagasunod", na pinangunahan ng Samahang Pandaigdigan ng Muslim.

Nagsimula iyon noong Miyerkules sa Riyadh, Saudi Arabia.

Si Abdulwahab Al-Shehri, ang kinatawang kalihim ng samahan ng kampanyang ugnayan, nagsabi na ang pagpupulong ay naaayon sa mga layunin ng MWL upang pagsama-samahin ang pandaigdigang papel nito bilang isang independiyente, pandaigdigan na hindi pang-pamahalaan na organisasyon na nagtatrabaho upang itaas ang kamalayan sa mga kahalagahan ng Islam, na alin kinabibilangan ng pagtutulungan upang mapahusay ang mga karaniwang pagpapahalaga at bumuo ng isang mas mabuti at mas mapayapang mundo at maayos na mga lipunan.

Ang pagkakatatag ng pagtitipon ay nakabatay sa mga turo ng Islam na humihiling ng diyalogo at pagtutulungan ng paggawa, sabi niya, batay sa karaniwang mga halaga na nakakatulong upang matiyak ang mapayapang magkakasamang buhay sa magkakaibang mundo. Sa ganoong konteksto, idinagdag ni Al-Shehri, na ang modernong pandaigdigan na sistema ay itinatag sa ilalim ng pamumuno ng UN, na binubuo ng pandaigdigang mga organisasyon, mga grupo at mga programa sa paligid kung saan ang lahat ng mga tao ay maaaring magtagpo. Kabilang dito ang UN Alyansa ng mga Sibilisayon, kung saan ang mga bansang Islamiko, sa pamamagitan ng kanilang mga iskolar at mga palaisip, ay gumaganap ng aktibong papel, sabi niya.

"Kabilang sa pangunahing mga tema ng pag-iipon na ito ay ang paglilinaw ng mga katotohanan ng Islam na dumating bilang isang awa sa mga mundo, at ang ating marangal na Propeta ay naghatid ng mga kahalagahan nito sa lahat ng mga tao," sinabi ni Al-Shehri.

Sa kabilang banda, "ang ekstremismo at kontra-ekstremismo (sa buong mundo) ay sinubukang baluktutin ang mga Islamikong pagpapahalagang iyon ngunit sa kanilang positibong pagiging bukas ay narating nila ang mundo, inalis ang mga pagtatangka ng pagbaluktot at pinawi ang mga ito sa kanilang kamusmusan."

Idinagdag niya: "Ngayon, nasasaksihan natin ang mga pagtatangka na nagpapatuloy, mula sa isang lugar patungo sa isa pa, na sa kasamaang palad ay nagresulta sa mga konsepto, mga teorya at mga salawikain ng Islamophobia."

Itinampok din ni Al-Shehri ang matatag na pundasyon kung saan itinatag ang pagtitipon.

"Ang pagpupulong ay nakabatay din sa patnubay ng Konstitusyon ng Medina, na alin itinatag ng ating Propeta sa Medina na may pagkakaiba-iba sa relihiyon, na nagbibigay-diin sa marangal na kahulugan ng karunungan ng batas ng Islam sa pakikitungo sa lahat," sabi niya.

"Ang Islam ay positibong bukas sa mga tagasunod ng mga relihiyon upang linawin ang mensahe nito na nananawagan para sa ikabubuti ng sangkatauhan at upang tugunan ang anumang maling konsepto, pamamaraan o gawain na hindi nagsisilbing pagkakaunawaan at pamumuhay na magsama ng lahat sa kapayapaan."

Sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao sa lahat ng relihiyon na makipag-usap sa isa't isa, ang pagtitipon ay gumagawa ng mga tulay upang matulungan ang lahat ng kalahok na makamit ang karaniwang mga layunin, idinagdag niya.

 

Pinagmulan: Arab News

 

 

3478871

Name:
Email:
* Comment:
* :