IQNA

4:48 - May 23, 2022
News ID: 3004108
TEHRAN (IQNA) – Ang Sentro ng Dar-ol-Qur’an na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ng Imam Hussein (AS) ay nagpaplanong mag-organisa ng dalawang mga paligsahan ng Qur’an na pandaigdigan, sinabi ng patnugot ng sentro.

Sinabi ni Sheikh Khayruddin Ali al-Hadi sa IQNA sa panahon ng pagbisita sa punong-tanggapan ng ahensya ng balita sa Tehran na isa sa nakaplanong mga kaganapan ay ang Gantimpala ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Karbala.

Ang isa pa ay isang kumpetisyon ng Qur’an sa pagitan ng mga bansa kung saan mayroong mga banal na dambana ng Shia, sinabi niya.

Ang mga bansa katulad ng Iran, Syria at Afghanistan ay iimbitahan sa paligsahan, na alin binalak na gaganapin sa ilang mga buwan mula ngayon, sinabi niya.

Tinukoy pa ni Al-Hadi ang iba pang mga aktibidad ng sentro, na nagsasabi na mula noong ito ay itinatag 14 na mga taon na ang nakalilipas, ito ay nasa landas ng paglago at pag-unlad ng mga programa sa suporta ng tagapag-alaga ng banal na dambana ng Imam Hussein (AS) na si Sheikh Abdul Mahdi al-Karbalayi.

Idinagdag niya na ilang mga komite ang itinayo sa sentro upang makatulong sa mas mahusay na pagpapatupad ng mga programa sa iba't ibang mga larangan katulad ng pagtuturo ng Qur’an, paglilimbag ng Qur’an, mga programang pang-akademiko, mga sining, at pagpapakalat ng impormasyon.

Ang isa sa mga programang inilunsad ng sentro ay isang proyekto upang sanayin ang 1,000 na mga magsasaulo ng Qur’an na nalampasan ang orihinal na layunin nito dahil halos 2,000 na mga indibidwal ang natutunan ang Banal na Aklat sa puso sa pamamagitan ng pakikilahok sa programa, alinsunod sa kleriko.

Ang isa pang programa ay ang pambansang programang Tilawat (pagbasa ng Qur’an) na nakikinabang ang lahat na mga qari at mga paaralang Qur’aniko sa bansa, sinabi niya.

Mayroon ding Qur’aniko at Islamiko na mga proyekto sa pananaliksik kabilang ang isa na nagtatampok ng pinagsama-samang mga salita ng mga Walang-Kasalanan (AS) tungkol sa Qur’an, sinabi pa ni Al-Hadi.

Binanggit din niya na ang sentro ay naglunsad ng mga sangay sa ibang mga bansa katulad ng Iran, Indonesia, Syria, Lebanon, gayundin sa ilang bilang na iba pang mga bansa sa Aprika, Timong-silangang Asya at Uropa.

 

 

3479007

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: