IQNA

Islamikong Seminaryo Nakikibahagi sa Pag-aaral sa Pagitan ng Pananampalataya, si Arafi Nagsabi sa Kardinal

12:10 - June 04, 2022
News ID: 3004155
TEHRAN (IQNA) – Itinuro ng direktor ng Islamikong mga seminaryo ng Iran ang pag-aaral sa pagitan ng mga pananampalataya nang makipagpulong kasama ang mataas na ranggo na kardinal sa Vatikan.

Si Ayatollah Alireza Arafi at ang kanyang kasamang delegasyon ay nakipagpulong at nakipag-usap kay Kardinal Leonardo Sandri, ang Prefect ng Congregation for the Oriental Churches noong Huwebes.

“Isa sa mga istratehiya ng Islamikong mga seminaryo ay ang pagtuunan ng pansin sa pag-aaral sa pagitan ng mga pananampalataya, lalo na sa pag-aaral na Islamiko at Kristiyano at partikular sa mga Shia at Katolikop na mga paaralan; iba't ibang mga disiplina na panrelihiyon ang idinisenyo nang naaayon at daan-daang mga libro, mga artikulo, at mga disertasyon ang nailathala sa ngayon," sinabi ni Arafi.

Ang klerikong Iraniano ay nagpaliwanag sa mga kakayahan ng mga seminaryong Islamiko, na binanggit na ang Islam at lalong-lalo na sa paaralan ng Shia, ay may nagkakaisang pamamaraan sa mga relihiyon.

Binigyang-din ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ang tampok na ito at nagsusumikap na paunlarin at palalimin ang pakikipagtulungan ng mga tagasunod ng mga relihiyon sa pamamagitan ng pag-aasa sa mga pagkakatulad, dagdag niya.

Inaasahan niya na ang kamakailang paglalakbay sa Vatikan ay magreresulta sa pagtaas ng kooperasyon at pagpirma ng isang pinagsamang dokumento sa hinaharap.

Sa kanyang bahagi, tinanggap ni Kardinal Sandri ang delegasyon at pinahahalagahan ang kanilang pagbisita. Sinabi niya na ang mga pagsisikap ay isinasagawa upang bumuo ng isang bagong mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng kapatiran sa mga tao, lalo na sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano, upang itaguyod ang pag-ibig at kapayapaan.

Sa pag-asang matatapos na ang digmaan at kagutuman sa mundo, nais ng Kardinal na makamit ng mga tao ang kanilang nararapat na dignidad.

Ang mga Simbahang Katoliko sa Asya, kabilang ang mga nasa Iran, ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng Konggregasyon para sa Silangang mga Simbahan.

Si Arafi, sino bumibisita sa Vatikan, ay naunang nakipagpulong at nakipag-usap kay Papa Francis.

 

 

 

3479163

captcha