IQNA

Magsasaulo mula sa Maldives para Makipagkumpitensya sa Pangwakas ng Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Mekka

10:59 - September 20, 2022
News ID: 3004573
TEHRAN (IQNA) – Ang magsasaulo ng Qur’an na si Ahmed Nabeeh Abdul Gadir mula sa Maldives ay kabilang sa mga napili para sa pangwakas na ika-42 na Paligsahan na Pandaigdigan ng Banal na Qur’an ng Haring Abdul Aziz sa Mekka.

Dalawang mga kalahok mula sa Maldives ang nakibahagi sa ganapang Qur’aniko. Sila ay si Nabeeh gayundin si Muhammad Yushau bin Zamzam. Ang kumpetisyon ay isa sa pinakamalaking mga paligsahan sa pagbigkas ng Qur’an sa Saudi Arabia.

Ang pagpili kay Nabeeh sa huling ikot ng kumpetisyon ay isang magandang tagumpay para sa Maldives.

Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng audition na isinagawa ng National Center for the Quran. Ang audition ay isinagawa ng isang panel ng mga hukom sa presensya ng mga magulang. Anim na aplikante ang nagsumite ng mga aplikasyon para sa kompetisyon.

Ayon sa Kagawaran ng Islamikong mga Kapakanan ng Saudi, 153 na mga kalahok mula sa 111 na mga bansa ang kalahok sa torneo. Kabilang dito ang mga may digre ng PhD at Master sa larangan.

Ang lahat ng gastos ng mga kalahok ay sinagot sa pamamagitan ng mga tagapag-ayos ng kumpetisyon sa Qur’an.

Matapos ang anunsyo ng mga resulta, ang mga kalahok ay nakatakdang bumalik sa Maldives sa Setyembre 23. Ang kumpetisyon ay magbibigay sa mga kalahok ng pagkakataong magsagawa ng Umrah sa Mekka at paglilibot sa Medina.

Naabot din ni Alhafiz Ahmed Nabeeh Abdul Gadir ang pangwakas ng isang pandaigdigang kumpetisyon sa Qur’an na ginanap sa Dubai noong unang bahagi ng taong ito.

 

 

3480537

Name:
Email:
* Comment:
captcha