IQNA

Nagmartsa ang mga Muslim sa mga Kalye ng Peterborough ng UK upang Ipagdiwang ang Kaarawan ng Banal na Propeta

12:16 - October 12, 2022
News ID: 3004655
TEHRAN (IQNA) – Isang malaking bilang ng mga Muslim ang nagmartsa sa mga lansangan ng Peterborough, isang lungsod sa Cambridgeshire, silangan ng England, upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Propeta Muhammad (SKNK).

Ang martsa ay isang taunang kaganapan, na alin nagaganap sa Linggo pagkatapos ng kaarawan ni Propeta Muhammad (SKNK) bawat taon sa lungsod upang ipagdiwang ang okasyon.

Ang kaarawan ng Banal na Propeta (SKNK) ay isa sa pinakamahalagang petsa sa kalendaryong Islamiko at ang taong ito ay naganap sa pagitan ng Oktubre 7 at 8.

Humigit-kumulang 2,000 na katao ang lumabas para sa taunang Jaloos sa pamamagitan ng mga lansangan ng lungsod mula Moske ng Faizan-e-Madina hanggang Masjid Ghousia sa Gladstone Street.

Inihain ang pagkain sa lahat ng tao sa pagtatapos ng martsa at dumalo ang panrelihiyong mga iskolar at mga tagapagsalita upang magsalita tungkol sa Propeta (SKNK) at sa kanyang mga turo.

Isang pagtanggap, na alin dinaluhan ng matataas na mga kilalang tao katulad nina Mayoress Shabina Qayyum at Kinatawan ng Mayor ng Peterborough na si Nick Sandford, Abdul Choudhuri, Hepe ng Nagkakaisang Konseho ng mga Moske at ang Moske ng Faizan d Madinah, Kinatawan na Tineyente ng Cambridgeshire Jaspal Singh at Cambridgeshire Hepe ng Pulisya na si Constable Nick Dean, ginanap noong nakaraang araw.

                                                                               

 

3480805

captcha