IQNA

Nanalo ang Bahraini na Qari sa Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Malaysia, Nangunguna ang Punong-abala na Kalahok sa Kategoriya ng Kababaihan

18:44 - October 26, 2022
News ID: 3004712
KUALA LUMPUR (IQNA) – Ang nangungunang mga nanalo sa ika-62 na Kumpetisyon ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Malaysia ay inihayag at ginawaran sa seremonya ng pagsasara dito noong Lunes.

Ang seremonya sa Kuala Lumpur Convention Center (KLCC) ay dinaluhan ng matataas na mga opisyal, kabilang ang hari ng Malaysia, si Sultan Abdullah Ri'ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah, ang reyna, si Tunku Azizah Aminah Maimunah, Punong Ministro Ismail Sabri Yaakob at Ministro sa Departamento ng Punong Ministro (Panrelihiyon na mga Kapakanan) na si Idris Ahmad, gayundin ang mga awtoridad na panrelihiyon, mga embahador ng mga bansang Muslim, mga kasapi ng lupon ng mga hukom, ang mga kalahok at isang malaking bilang ng mga tao.

Kabilang sa mga dumalo ay ang Iranianong Embahador sa Malaysia na si Ali Asghar Mohammadi, Sugo ng Pangkultura na si Mohammad Ali Oraei Karimi, at isang Qur’anikong delegasyon na pinamumunuan ng Kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay ng Iran na si Ali Reza Moaf.

Pagkatapos patugtugin ang pambansang awit ng Malaysia at pagbigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an, si Hajja Hakima bint Muhammad Yusuf, ang pinuno ng komite sa pag-aayos ay nagpakita ng isang ulat sa organisasyon ng paligsahan.

Binasa niya ang mga pangalan ng mga miyembro ng lupon ng mga hukom at nagpasalamat sa mga kinatawan ng kalahok na mga bansa.

Nagbigay din ng talumpati ang Ministro ng Malaysianong Panrelihiyon na mga Kapakanan na si Idris Ahmad kung saan binigyang-diin niya na ang Banal na Qur’an ay isang dakilang himala na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK) at ito ay pinagmumulan ng patnubay at awa para sa lahat ng sangkatauhan.

Susunod, inihayag ang nangungunang mga nanalo sa kumpetisyon.

Ayon sa desisyon ng lupon ng mga hukom, si Mohamed Sameer Mohamed Magahed, ang Qur’an na mambabasa na kumakatawan sa Bahrain, ay nanalo sa kumpetisyon ngayong taon sa kategoriya ng kalalakihan. Umiskor siya ng 93.33 na mga puntos sa 100.

Ang Malaysianong qari ang pangalawa at ang mga mula sa Indonesia, Iraq at Singapore ay pumangatlo hanggang ikalima, ayon sa pagkakasunod.

Sa kategorya ng kababaihan, ang mambabasa sa punong-abala na bansa na si Sofizah Mousin ay pinangalanang nangungunang nagwagi, na nakakuha ng 89.66.

Ang pangalawa hanggang ikalimang ranggo na mga nagwagi ay ang mga babaeng kinatawan ng Singapore, Indonesia, Brunei at Afghanistan.

Alinsunod sa mga ulat, ang nangungunang mananalo sa kumpetisyon ay mag-uuwi ng 4,000 MYR kasama ang isang barita ng ginto na may halagang 40,000 hanggang 50,000 MYR.

Ang Iranianong qari na si Masoud Nouri, sino nagsagawa ng kanyang pagbigkas sa unang gabi ng kumpetisyon, ay hindi kabilang sa mga nanalo.

Ang huling ikot ng Ika-62 na edisyon ng kumpetisyon ng Banal na Qur’an sa Malaysia, na opisyal na kilala bilang Malaysia International Al-Quran Recital and Memorization Assembly (MTHQA), ay nagsimula sa KLCC noong Miyerkules.

 

 

3480986

captcha