IQNA

Ang Post ni Haaland Tungkol sa Sikat na Moske ay Nag-aapoy ng mga Haka-haka sa Kanyang Relihiyon

12:20 - December 13, 2022
News ID: 3004900
TEHRAN (IQNA) – Ang Norwegiano na artista sa putbol na si Erling Haaland ay nagbahagi ng mga larawan ni sa Malaking Moske ni Sheikh Zayed, na nag-uudyok ng mga haka-haka tungkol sa kanyang relihiyon.

Ang 22-taong-gulang na tagapagsalakay ay nagbahagi ng dalawang mga larawan ng moske sa kanyang Instagram akawnt, na nagsusulat ng "Wow" sa isang maliwanag na papuri sa sayt (site).

Siya ay nasa Abu Dhabi bilang bahagi ng kampo ng pagsasanay ng lungsod ng Manchester.

Ayon sa ilang bilang ng Arabong media, ang post ng manlalaro ay humantong sa mga haka-haka tungkol sa kanyang relihiyon sa panlipunang media.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang relihiyon ni Haaland ay nagiging pinagmumulan ng pagtatalo sa mga netiznes.

Noong Setyembre 2021, ipinagdiwang ni Haaland ang isang gol kasama ang kanyang kakuponan noon, si Mahmoud Dahoud. Ang opisyal na Borussia Dortmund Twitter akawnt ay nag-post ng larawan niyan na may nakasulat na, “Alhamdulillah Habibi.” Ang nakatawag ng pansin ng marami ay ang tugon ni Erling. Nag-tweet siya, "Alhamdulillah."

Marami ang unang nag-isip na binibigyang galang ni Haaland ang relihiyon at pananampalataya na sinundan ng kanyang kaibigan at kasamahan sa koponan. Gayunpaman, hindi lang iyon ang pagkakataon na ang kanyang mga tweet ay nag-udyok sa mga tagahanga na maniwala na siya ay Muslim.

Mas maaga sa taong ito, sumali si Haaland sa Manchester City. Kinailangan niyang maghintay ng ilang mga linggo bago gumawa ng kanyang debut para sa samahan mula nang sumali siya sa simula ng bintana ng paglipat. Nang binati siya ng isang Twitter akawnt na nakabase sa Man City sa kanyang kaarawan noong ika-21 ng Hulyo, sumagot siya, “Salamat! Debut vs Bayern Inshallah."

Ngayon, marami ang mag-aakalang nagbibigay lang siya ng pasasalamat sa kanyang kaibigan sa unang pagkakataon na nag-tweet siya ng “Alhamdulillah”. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, nang banggitin niya ang "Inshallah", na alin nangangahulugang "payag ng Diyos," nagulat ang mga tagahanga dahil walang sinuman ang umaasa na si Haaland ay isang tagasunod ng Islam.

Gayunpaman, ang mga tweet na ginawa ni Erling ay maaari pa ring mangahulugan na siya ay isang tagahanga lamang ng relihiyon at hindi isang mananampalataya. Bukod pa riyan, hindi pa niya inihayag sa publiko ang kanyang relihiyon at pananampalataya noong nakaraan.

 

 

3481643

captcha