Inaasahan na si Punong Ministro Sheikh Hasina ay magpapasinaya sa mga moske at mga sentrong pangkultura sa pamamagitan ng pangbirtuwal bandang 11:00 ng umaga, sinabi ng isang opisyal ng kagawaran sa mga gawaing panrelihiyon.
Sinabi ni Ministro ng Estado para sa Panrelihiyon na mga Kapakanan na si Mr. Faridul Haque Khan, "Ang gobyerno, sa pangunguna ni Punong Ministro Sheikh Hasina, ay nagtakda ng isang pambihirang halimbawa sa pamamagitan ng pagtatayo ng 564 na mga moske na modelo at mga sentrong Islamko sa bawat distrito at lungsod sa buong bansa."
Ayon sa kagawaran ng impormasyon, ang mayroon na erkondisyon na mga moske ay may kasamang magkahiwalay na lugar para sa paghuhugas at pagdarasal.
Bukod dito, magkakaroon ng pagpaparehistro at mga kaayusan ng pagsasanay para sa mga peregrino ng Haji, Imam sentro ng pagsasanay, sentro ng pagsasaliksik at aklatang Islamiko, sulok ng autismo, mga rituwal bago ilibing, pasilidad ng paradahan ng sasakyan, bago ang primero na edukasyon at pag-aayos ng pag-aaral ng Qur’an, pagtitipon na silid para sa mga aktibidad sa pangkulturang Islam at Islamikong dawat, sentro ng pagbebenta ng mga librong Islamiko, pasilidad ng pangangaserahan para sa mga lokal at dayuhang mga bisita.
Noong Hunyo 10, 2021, pinasinayaan ni Hasina ang unang yugto ng 50 mga moske na modelo, mula sa kabuuang 564, nang sabay-sabay sa buong bansa.
Sa ilalim ng kategorya A, may 69 na apat na palapag na moske na may pasilidad ng elebitor at ang lawak ng lugar na 2,360.09 mga metro kuwadrado bawat isa ay itinatayo sa 64 na mga distrito at mga lugar ng korporasyon ng lungsod.
Sa ilalim ng kategorya B, 475 na mga moske ang itinatayo na may lawak na lugar na 1680.14 mga metro kuwadrado sa bawat isa, habang 16 na mga moske sa ilalim ng kategory C sa baybayin na mga pook ay magkakaroon ng lawak na lugar na 2,052.12 mga metro kuwadrado ang bawat isa.