IQNA

Tinutuligsa ni Maduro ng Venezuela ang mga Paglapastangan sa Qur’an bilang Rasista na mga Gawain Laban sa mga Muslim

6:51 - August 12, 2023
News ID: 3005883
CARACAS (IQNA) – Kinondena ng pangulo ng Venezuela ang mga paglapastangan sa Qur’an sa Uropa gayundin ang pananahimik ng mga pamahalaan ng Uropa.

Mariing pinuna ni Nicolas Maduro ang pananahimik ng naghaharing mga lupon sa mga bansang Uropiano dahil sa mga ekstremista na lumapastangan sa Qur’an, ang banal na aklat para sa mga Muslim, sa Sweden at Denmark.

"Kinukondena ko ang rasistang mga gawaing ito ng pagkamuhi laban sa mga bansang Muslim," sinabi niya sa Al Mayadeen TV, "Ang katahimikan ng mga pinuno ng Uropa sa pagsunog ng mga kopya ng Qur’an ay nakakagulat, na alin katumbas ng kanilang pakikipagsabwatan sa krimen."

Ayon kay Maduro, imposibleng pumikit ng mata sa ganitong mga panunuso na nagpapahiya sa Islam at sa mga tagasunod nito. "Ano ang sasabihin ng mga Kristiyanong Uropiano kung ang isang Bibliya ay sinunog sa harap nila? Samakatuwid, ang galit na reaksyon ng mundo ng Islam sa paglapastangan sa mga kopya ng banal na aklat ay medyo karaniwan," itinuro niya.

Ang mga aksiyong kontra-Islam na kinasasangkutan ng pagsunog ng Qur’an ay naganap noong Hulyo 25 malapit sa mga embahada ng Ehipto at Turkey sa Copenhagen. Ang isang katulad na aksiyon ay isinagawa isang araw na mas maaga sa harap ng embahada ng Iraq. Ang lahat ay inorganisa ng pinakakanang sobrang makabansa na grupo na Danish na mga Makabayan.

Noong Hunyo 28, naganap ang pagsunog ng Qur’an sa panahon ng isang demonstrasyon na awtorisado ng pulisya sa sentro ng lungsod ng Stockholm. Pinunit ni Salwan Momika, isang 37 taong gulang na Iraqi na imigrante, ang mga pahina mula sa Qur’an at sinunog ito. Noong Hulyo 20, nagsagawa siya ng isa pang panunukso sa harap ng embahada ng Iraq sa Stockholm, na nag-udyok sa mga nagprotesta na salakayin ang embahada ng Sweden sa Baghdad.

 

Pinagmulan: Tass.com

 

3484670

captcha