IQNA

Pagtitipon ng mga Aktibista sa Edukasyong Islamiko na Binalak sa Karbala

9:34 - August 27, 2023
News ID: 3005945
KARBALA (IQNA) – Ang unang kumbensiyon ng mga aktibista sa larangan ng Islamiko na Edukasyon ay gaganapin sa banal na lungsod ng Karbala sa panahon ng Arabeen.

Tinaguriang "Ating Ipatayo ang Sibilisasyong Mahdavi kasama ang mga Paaralang Husseini", iyon ay aayusin ng Institusyong Pandaigdigan na Noor Mobin sa pakikipagtulungan sa Samahan ng Islamikong Kultura at Ugnayan at ilang bilang na mga samahang katutubo na Iraniano at Iraqi.

Sinabi ni Hojat-ol-Islam Ali Asghar Mohammadidoust, nangangasiwang direktor ng institusyon, sa IQNA na ang kaganapan ay naaayon sa mga pagsisikap na magtatag ng mga paaralang Islamiko at mga sentro ng edukasyon, itaguyod ang edukasyon mula sa pananaw ng Islam at isulong ang papel nito sa pagpapaunlad ng lipunan at sa pagtatayo ng sibilisasyon.

Sinabi niya na ang mga tagapagtatag, mga punong-guro at guro ng mga paaralang Islamiko, at mga aktibista at yaong nagtatrabaho sa larangan ng edukasyong Islamiko sa iba't ibang mga bansang Muslim ay ang mga kalahok ng pagtitipon at ang mga resulta nito ay makikinabang sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

Idinagdag ng kleriko na ang edukasyong Islamiko ay nangangahulugan ng pagpapalaki sa hinaharap na henerasyon batay sa mga simulain at mga pamamaraan na Islamiko at pagpapatakbo ng mga paaralan at mga sentrong pang-edukasyon alinsunod sa pamamaraang ipinaliwanag sa mga gawa ng mga taong katulad ng Martir Motahhari.

Binanggit ng Hojat-ol-Islam Mohammadidoust na sa panahon ng Arbaeen at sa mga kalsada sa pagitan ng Najaf at Karbala ay may iba't ibang mga programang pangkultura at pang-edukasyon para sa mga peregrino ngunit ang pagtitipon na ito ay espesyal para sa mga kasama sa edukasyong Islamiko at sa pagpapatakbo ng mga paaralang Islamiko.

Ang mga aktibista mula sa iba't ibang mga bahagi ng mundo ay magkikita at magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa larangan ng edukasyong Islamiko, sabi niya.

  • Pangunahing mga Katangian ng Sistemang Edukasyon na Islamiko

Ang kumbensiyon ay gaganapin sa isa sa pangunahing mga paaralan ng banal na lungsod ng Karbala, sabi niya, at idinagdag na ang isang permanenteng kalihim ay nakatalaga sa pagpaplano para sa pangunahing kaganapan.

Isa sa pangunahing mga programa sa panahon ng pagtitipon ay isang talakayan na nakatakda sa Lunes, Setyembre 4, na may partisipasyon ng mga aktibista sa edukasyong Islamiko ng Iraq, sinabi niya.

Magkakaroon din ng isang eksibisyon na nagtatampok ng mga aktibidad ng mga paaralang Islamiko at mga sentro ng edukasyon, ayon sa kleriko.

Sinabi pa niya na upang maabot ang isang lipunang Mahdavi at isang sibilisasyong Islamiko, ang mga batang may edad 5 hanggang 18 ay dapat mag-aral sa mga paaralan na ang kapaligiran ay puno ng pagmamahal para kay Imam Hussein (AS) at sa Ahl-ul-Bayt (AS).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtitipon, mag-log on sa https://ifoiet.com/en.

 

3484926

captcha