IQNA

Iniulat ng Ministro ng Saudi ang Kapansin-pansing Pagtaas ng Bilang ng mga Peregrino ng Umrah

9:39 - September 05, 2023
News ID: 3005982
MEKKA (IQNA) – Isang kapansin-pansing pagtaas ang nakikita sa bilang ng mga perergrino ng Umrah na dumarating mula sa labas ng Saudi Arabia ngayong taon.

Inihayag ito ng Pangalawang Ministro ng Hajj at Umrah ng Saudi Arabia na si Abdul Fattah Mashat, na binanggit na ang pag-akyat, na alin dumarating sa gitna ng pagpapalawak ng kapasidad ng dalawang pinakabanal na mga moske ng Saudi Arabia, ay nauugnay sa ilang mga kadahilanan, isang mas madali at mas maginhawang pamamaraan ng bisa ay isa sa mga ito .

Ngayong panahon, nasaksihan ang mataas na pagdagsa ng mga peregrino mula sa ilang mga bansa, kung saan ang karamihan ay mula sa Pakistan, Indonesia, India, Iraq, Yaman, at Bangladesh.

Ang bilang ng mga mga peregrino ng Umrah ay inaasahang tataas sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno ng Saudi na mapadali ang paglalakbay mula sa buong mundo, kabilang ang kadalian ng pakikipag-ugnayan sa mga magbigay ng serbisyo at pagkuha ng mga bisa sa pamamagitan ng Nasik plataporma.

  • Katagal ng Bisa ng mga Peregrino ng Umrah Pinalawig ng Tatlong mga Beses

Sinabi ni Mashat na ang Kagawaran ng Hajj at Umrah ng Saudi ay naglagay ng 24/7 na mga pasilidad upang tanggapin ang mga hinaing at mga ulat mula sa mga peregrino sa lahat ng mga wika tungkol sa mga nagbibigay ng serbisyo.

Ang Saudi Arabia ay gumawa ng mga hakbang upang bawasan ang oras ng mga pamamaraan sa pagsusuri sa pagdating para sa mga peregrino ng Hajj at Umrah, na alin ipinatupad para sa UK, Malaysia, Bangladesh, Tunisia, at Kuwait.

                                                 

3485013

captcha