IQNA

Zakat sa Islam/1 Zakat Bago pa ang Banal na mga Pananampalataya

15:38 - October 13, 2023
News ID: 3006139
TEHRAN (IQNA) – Ang Zakat ay isang relihiyosong obligasyon para sa mga Muslim sino nakakatugon sa kinakailangang pamantayan upang mag-abuloy ng isang partikular na bahagi ng ilan sa kanilang kayamanan. Ang Zakat ay hindi limitado sa Islam ngunit umiral din sa naunang mga relihiyon. Sa katunayan, ang Zakat at mga pagdasal ay karaniwan sa lahat ng banal na mga pananampalataya.

Si Propeta Hesus (AS) ay nagsimulang magsalita sa kanyang duyan, na nagsasabing, "(Ang Diyos) ay nag-utos sa akin ng pagdasal at Zakat (kawanggawa) habang ako ay nabubuhay." (Talata 31 ng Surah Maryam)

Sinabi ni Propeta Moses (AS) sa Bani Isra'il: "Itatag ang inyong mga pagdasaL, magbayad ng obligadong kawanggawa, at yumuko kasama sa mga yumuyuko." (Talata 43 ng Surah Al-Baqarah)

Ang Qur’an ay nagsabi tungkol kay Propeta Ismail (AS): "At inutusan niya ang kanyang mga tao na magdasal at magbigay ng kawanggawa at ang kanyang Panginoon ay nalulugod sa kanya." (Talata 55 ng Surah Maryam)

Ang Qur’an ay nagsabi rin tungkol sa banal na mga mensahero sa pangkalahatan: “(Kami) ay nagtalaga sa kanila ng mga pinuno upang gabayan sa pamamagitan ng Aming Kautusan at Aming ipinahayag sa kanila na gumawa ng mabubuting mga gawa, at itatag ang pagdasal, at ang pagbibigay ng kawanggawa, at sila ay para sa Amin na mga sumasamba. .” (Talata 73 ng Surah Al-Anbiya)

  • Pilosopiya ng Khums at Zakat sa Islam

Gayundin, ayon sa Talata 5 ng Surah Al-Bayyinah ang Diyos ay nagsabi, “Sila ay inutusan lamang na sambahin ang Diyos, maging matuwid sa Kanyang relihiyon, maging matatag sa pagdasal at magbayad ng Zakat. Ito talaga ang walang hanggang relihiyon.” Kaya sa lahat ng banal na mga relihiyon, ang Zakat ay kasama ng pagdasal.

Sinabi ni Allameh Tabatabaei tungkol sa Zakat na bagaman ang mga patakarang panlipunan na ipinakilala ng Islam ay mas kumpleto kaysa sa naunang mga relihiyon, ang mga ito ay hindi isang imbensiyon ng Islam, ngunit umiiral na noon pa. Masasabing walang mga tao sa buong kasaysayan na walang sinusunod na mga patakarang pinansiyal para sa pagpapatakbo ng lipunan dahil ang bawat lipunan ay nangangailangan ng mga pinansiyal na paraan upang gumana at umunlad.

 

3485524

captcha