Ang sangay sa New Jersey ng Council on American-Islamic Relations ay nagsabi na ang estado ay nakakita ng isang dramatikong pagtaas sa Islamopobiya na hindi pa nito nararanasan mula noong pagbawalan ni Donald Trump ang paglalakbay at pag-areglo ng mga taong takas mula sa isang grupo ng karamihan sa mga bansang Muslim noong 2017.
Sinabi ni Selaedin Maksut, director ehekutibo ng grupo, na ang isang manggagamot sa Jersey Shore ay tinanggal matapos mag-post bilang suporta sa Palestine sa panlipunang media, isang babaeng taga-South Jersey ang nakakita ng mga napunit na pahina ng Qur’an sa labas ng kanyang kainan, at ilang mga bata sa Fair Lawn na nakasuot ng mga kamiseta na sumusuporta sa Palestine ay kinutya ng mga empleyado ng Starbucks.
Ilan lamang iyan sa mga halimbawang narinig ng CAIR nitong nakaraang mga linggo, sinabi ni Maksut sa isang panayam ng peryodista noong Lunes kung saan sinamahan siya ng mga opisyal ng Sentro ng Pamayanang Palestino Amerikano ng Clifton. Ginamit ng mga tagapagsalita ang kaganapan upang ipahayag ang galit tungkol sa "isang panig na mga pahayag" na sinasabi nilang narinig nila mula kay Gov. Phil Murphy at iba pang nahalal na mga opisyal bilang suporta sa Israel kasunod ng sorpresang pag-atake ng mga puwersang panlaban ng Hamas noong unang bahagi ng buwang ito.
Ginawang Hindi Tao ang mga Muslim
"Mahalaga ang mga salita, at ang iyong mga salita bilang inihalal na mga opisyal ay humubog ng isang baluktot na salaysay na nagpawalang-katao at nagdemonyo pa sa komunidad ng Muslim at Palestino," sabi ni Maksut.
Hinimok ng mga pinuno ng komunidad ang nahalal na mga opisyal na maging mas mapagbantay sa diskriminasyon at karahasan na nakadirekta sa mga Palestino at kanilang mga tagasuporta. Si Basma Bsharat, ang direktor ng edukasyon ng Palestine sa sentro ng Clifton, ay inakusahan ang mga pulitiko ng pagsasahimpapawid ng isang panig na salaysay na ginagamit sa pagkalat ng poot, at nanawagan siya sa mga mambabatas na kondenahin ang mga aksiyon na ginawa laban sa mga Palestino.
"Ang buhay ng Palestino ay hindi mas mababa kaysa sa anumang iba pang buhay, at hindi iyon dapat maging isang kontrobersiyal na pahayag," sabi ni Bsharat. "Ito ay isang kawalang-katarungan na sumasalungat sa bawat prinsipyong pinanghahawakan ng Amerika ang kalayaan, pagkakaiba-iba, at pagsasama."
Hindi bababa sa 2,700 na mga Palestino ang napatay mula noong Oktubre 7 Operasyon ng Pagbaha sa Al-Aqsa, at ang bilang ng mga nasawi ay inaasahang tataas habang ang Gaza ay naghahanda para sa isang paglusob sa lupa ng rehimeng Israel.
Apat na mga araw pagkatapos ng mga pag-atake, ipinahayag ni Murphy ang kanyang walang alinlangan na suporta para sa Israel, na sumama sa lokal na mga rabbi at komunidad ng mga Hudyo sa isang pakikilamay sa Hoboken kung saan hinimok niya ang karamihan na manalangin para sa lahat ng inosenteng mga sibilyan.
Sa pakikipag-usap sa WNYC noong nakaraang linggo, binatikos ni Murphy ang mga pag-atake ng Hamas at pagkatapos ay tinanong kung susundin niya ang panawagan ng CAIR na makipagkita sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao ng Palestino.
Pinagmulan: newjerseymonitor.com