IQNA

Unang Yugto ng Paligsahan sa Pagsaulo ng Qur’an na Ginanap sa Cumilla ng Bangladesh

12:08 - December 02, 2023
News ID: 3006329
DHAKA (IQNA) – Ang paunang ikot ng paligsahan sa pagsaulo ng Qur’an na tinawag na ‘Qur’aner Noor’ ay ginanap sa lungsod ng Cumilla sa Bangladesh noong Martes.

Ito ay ang awdisyon para sa kuwalipikasyon para sa ikalawang panahon ng Qur’aner Noor.

Daan-daang mga tagapagsaulo ng Qur’an mula sa buong rehiyon ang lumahok sa malaking kaganapan.

Ang Baitul Mukarram na Pambansang Moske Musalli na Komite ay nag-oorganisa ng kaganapan –‘Paligsahan ng Hifzul Qur’an na Pandaigdigan ng Qur’aner Noor-2024’– sa pangalawang pagkakataon na pinalakas ng Grupong Bashundhara, ang nangungunang kalipunan ng negosyo ng bansa.

Isa-isang kinumpleto ng mga kalahok na may suot na mga kard at mga tsapa ang proseso ng pagpaparehistro sa Jamia Madania Raojatul Ulum Madrasa ng madaling araw.

May kabuuang 465 na mga kalahok mula sa Chandpur, Brahmanbaria, Noakhali, Lakshmipur, Feni at Cumilla na mga distrito ang lumahok sa awdisyon.

Ang awdisyon koordinator ng Cumilla na si Margubur Rahman ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Grupong Bashundhara para sa pag-aayos ng gayong marangal na kumpetisyon upang mahanap ang hindi pa nagagamit na talento mula sa buong bansa.

Ang Baitul Mukarram na Pambansang Moske na Pesh Imam na si Shaykhul Hadith Mufti Muhiuddin Kasem ang nanguna sa lupon ng mga hurado. Sinabi niya na may kabuuang 12 mga iskolar, kabilang ang apat na maalam na mga hukom mula sa Dhaka, ang humahatol sa paligsaghan.

"Kami ay humanga sa pagkakaroon ng mga batang talento ng Qur’an. Hangad namin ang lahat ng magandang kinabukasan,” sinabi niya.

Ang pandaigdigan na kampeon ng kaganapan ay tatanggap ng Tk1.5 milyon habang ang pambansang antas na kampeon ay bibigyan ng Tk1 milyon.

Ang paunang naitala na programa ay ipapalabas sa News24 Television at sa YouTube tsanel nito mula sa unang araw ng banal na buwan ng Ramadan.

Ang Daily Sun, Kaler Kantho, Bangladesh Pratidin, Banglanews24.com at Radyo Kapital ay ang media na kasama ng kumpetisyon.

 

3486217

captcha