IQNA

Nigeria: Bulgariano na Nagbalik-loob na Muslim, 62, Nakumpleto ang Qur’anikong Edukasyon

11:19 - December 08, 2023
News ID: 3006354
IQNA – Isang 62-anyos na babaeng Bulgariana, si Liliana Mohammed, ay nakamit ang kanyang pangarap na pag-aralan ang Qur’an sa estado ng Kano, kung saan siya ay naninirahan nang higit sa 30 na mga taon.

Si Ginang Mohammed, na nagbalik-loob sa Islam mga 10 taon na ang nakalilipas, ay nagsabi na ang Qur’an ay isang gabay sa kanyang buhay at natagpuan niya ang kapayapaan at katahimikan sa relihiyon. “Ang Islam ay nagbigay sa akin ng kapayapaan. Ang maluwalhating Qur’an ay aking gabay din. Habang nagbabasa ako ng Qur’an, binabasa rin ako nito. Nakakaramdam ako ng kapayapaan sa aking isipan, "sabi niya, iniulat ng Pahayagang Nigeriano noong Martes.

Nagpakasal siya sa isang negosyanteng Hausa, yumaong Ibrahim Sambo, sa Bulgaria at lumipat sa Kano kasama niya. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sino mga Muslim din.

Sinabi ni Ginang Mohammed na sinimulan niya ang kanyang pag-aaral sa Qur’an mula sa bahay, sa tulong ng isang babaeng guro na nagturo sa kanya ng mga alpabetong Arabik at kung paano bigkasin ang Qur’an.

Sinabi niya na umunlad siya mula sa talata hanggang sa talata, kabanata hanggang kabanata, hanggang sa nagtapos siya sa Paaralang Islamiko ng Mamba'irrahman sa Kano noong Sabado, kasama ang tatlo pang mga estudyante.

Sinabi niya na isinasaulo din niya ang Qur’an, sa kabila ng kanyang katandaan.

Sinabi ni Ginang Mohammed na nasisiyahan siyang manirahan sa Kano, isang estadong karamihan sa mga Muslim, kung saan maaari niyang isagawa ang Islam sa ilalim ng magandang kapaligiran. Sinabi niya na ang mga oras ng panalangin at pag-aayuno ay perpekto kumpara sa ibang mga bahagi ng mundo.

Ang kanyang anak na babae, si Hamida Sambo, ay pinuri ang kanyang ina sa pagbibigay sa kanila ng mabuting pagpapalaki at pagpapahintulot sa kanila na magsagawa ng Islam katulad ng kanilang yumaong ama. Sinabi niya na sinanay sila ng kanyang ina na maging mabuting tao sa lipunan.

 

 3486307

captcha