IQNA

Ang Pagpapakahulugan ng Qur’an sa English ay Umabot sa Ikaapat na Paglimbag sa Ehipto

4:00 - December 20, 2023
News ID: 3006398
IQNA – Isang pagpapakahulugan ng Qur’an sa Ingles ang umabot sa ikaapat na pag-imprenta nito, sinabi ng Kagawaran ng Awaqf ng Ehipto.

Ang aklat, na pinamagatang “Al-Muntakhab (Ang Pinili), ay pinagsama-sama at isinalin sa pamamagitan ng isang grupo ng mga iskolar ng Unibersidad na Islamiko ng Al-Azhar, ayon sa website ng balita ng Al-Watan.

Dahil sa mataas na pangangailangan para sa gawain, ang Al-Muntakhab ay inilathala ng kagawaran at ngayon ay umabot na sa ikaapat na pag-iimprenta nito, sinabi nito.

Ang Kagawaran ng Awqaf ay nagsikap sa paglalathala ng mga pagsasalin ng Qur’an at mga pagpapakahulugan nito na may layuning itaguyod ang kultura at kaisipang Qur’aniko sa iba't ibang mga wika.

Sa ngayon, ang kagawaran ay naglathala ng mga pagsasalin ng Banal na Aklat sa Ingles, Pranses, Aleman, Espanol, Ruso, Tsino, Koreano, Albaniano, Indonesiano, Swahili, Urdu at Greko.

Magbasa pa:                    

  • Inisyatiba ng Ehiptiyano na Kagawaran ng Awqaf na Naglalayong Pahusayin ang Pagbigkas ng Qur’an ng mga Tao

Ang Ehipto ay isang bansa sa Hilagang Aprika na may populasyon na humigit-kumulang 100 milyon, kung saan ang mga Muslim ay nagkakaloob ng humigit-kumulang 90 porsiyento ng kabuuang populasyon.

Ang mga aktibidad sa Qur’an ay karaniwan sa bansang Arabo na karamihan sa mga Muslim.

 

3486462

captcha