IQNA

Surah Al-Fatiha: Isang Kabanata sa Pagpupuri, Pagdarasal sa Diyos

12:33 - January 11, 2024
News ID: 3006489
IQNA – Ang Surah Al-Fatiha ay ang tanging kabanata ng Qur’an na ang lahat ng mga talata ay tungkol sa pagdarasal at pagsamba sa Diyos.

Ang unang bahagi ng Surah ay tungkol sa pagpupuri sa Panginoon at sa ikalawang bahagi, binanggit ang mga pangangailangan ng sumasamba.

Ang Surah, na alin ipinahayag sa Mekka, ay may pitong mga talata. Narito ang ilan sa mga tampok ng Surah Al-Fatiha:

1- Ito ay malinaw na naiiba mula sa ibang mga kabanata sa mga tuntunin ng tono at ritmo. Sa Surah na ito, tinuturuan tayo ng Diyos kung paano manalangin sa Kanya at makipag-usap sa Kanya. Ang Surah ay nagsisimula sa pagpupuri sa Diyos at pagkatapos ay pagpapahayag ng pananampalataya sa Diyos at sa Pagkabuhay na Mag-uli. Nagtatapos ito sa mga kahilingan mula sa Diyos at pinag-uusapan ang mga pangangailangan ng mga lingkod ng Diyos.

2- Ang Surah Al-Fatiha ay ang pundasyon ng Qur’an. Ayon sa isang Hadith, sinabi ni Propeta Muhammad (SKNK) sa isa sa kanyang mga kasamahan, si Jabir ibn Abdullah Ansari: "Gusto mo bang ituro ko ang pinakamagandang Surah na ipinahayag ng Diyos sa Kanyang aklat?" Pagkatapos ay itinuro sa kanya ng Propeta (SKNK) ang Surah Al-Fatiha, na kilala rin bilang Umm al-Kitab, at sinabing ang kabanatang ito ay ang kagalingan sa bawat sakit maliban sa kamatayan.

Umm ay nangangahulugang ugat at batayan. Marahil kaya nga si Ibn Abbas, ang kilalang tagapagkahulugan ng Qur’an, ay nagsabi: Ang lahat ay may batayan at pundasyon at ang pundasyon ng Qur’an ay Surah Al-Fatiha.

3- Sa mga talata ng Qur’an, ang Surah Al-Fatiha ay ipinakilala bilang isang dakilang regalo sa Banal na Propeta (SKNK):

"(Muhammad), Kami ay nagbigay sa iyo ng pitong pinakaulit-ulit (na mga talata) at ang dakilang Qur’an." (Bersikulo 87 ng Surah Hijr)

Magbasa pa:

  • Ano ang Ibig Sabihin ng Malik sa Surah Al-Fatiha?

Mula sa isang aspeto, ang Surah ay nahahati sa dalawang mga bahagi na ang unang bahagi ay tungkol sa pagpupuri sa Diyos habang sa ikalawang bahagi, ang mga pangangailangan ng sumasamba ay binanggit.

Ayon sga a isang Hadith mula sa Banal na Propeta (SKNK), ang Diyos ay nagsabi: "Aking hinati ang Surah Al-Fatiha sa pagitan ng Aking sarili at ng Aking lingkod sa dalawang mga bahagi, at ang Aking lingkod ay magkakaroon ng kanyang hiniling."

"Ang gantimpala ng sinumang Muslim na bumigkas ng Surah Al-Fatiha ay katulad ng isang taong nagbigkas ng dalawang-katlo ng Qur’an, at napakaraming gantimpala ang matatanggap niya na parang binigyan niya ang bawat mananampalatayang Muslim, lalaki o babae, ng malayang pagpapasya ng pag-aalay"

 

3486724

captcha