IQNA

Tradisyunal na mga Paaralan ng Qur’an na Binubuhay sa Morocco

4:47 - January 18, 2024
News ID: 3006514
IQNA – Ang mga tao sa katimugang mga rehiyon ng Morocco ay muling bumaling sa mga Maktab (tradisyunal na mga paaralang Qur’an).

Dahil ang mga welga ng mga guro ay nakakagambala sa mga aktibidad ng elementarya na mga paaralan sa mga rehiyong ito, lalo na sa lungsod ng Laayoune, ipinapadala na ngayon ng mga tao ang kanilang mga anak sa mga Maktab upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang tradisyunal na mga paaralan ay nagtuturo sa mga bata hindi lamang sa pagbabasa ng Qur’an at sa mga tuntunin nito, kundi pati na rin sa mga turo sa relihiyon at mga kasanayan sa wikang Arabik, sabi ng mga pamilya, ayon sa website ng Sawt al-Idalah.

Ang mga batang pupunta sa mga Maktab ay nagsasaulo din ng Qur’an, na alin tumutulong sa kanila na mas matuto at maisaulo ang kanilang mga aralin, sabi nila.

Sinabi ng mga opisyal sa lungsod na ang mga Maktab ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga bata na hindi mapahamak sa pagsasara ng mga paaralan at magagamit ng mga magulang ang pagkakataong ito.

Inilalarawan iyon ng mga mag-aaral na pupunta sa mga Maktab bilang isang bagong karanasan at isang magandang paraan upang mapahusay ang kanilang mga kasanayan.

Sinasabi nila na ang mga kasanayang natutunan nila sa mga Maktab ay nakakatulong sa kanila na mapabuti ang kanilang pag-aaral sa ordinaryong mga paaralan.

Ang tradisyunal na mga paaralang Qur’aniko ay nagbigay ng Qur’anikong edukasyon sa mga bata sa Morocco sa loob ng maraming siglo.

Sa nagdaang mga taon, ang gobyerno, lalo na ang kagawaran ng Awqaf, ay naglunsad ng mga plano upang buhayin ang mga Maktab.

Ang Morocco ay isang bansang Arabo sa Hilagang Aprika na nasa hangganan ng Karagatang Atlantiko at Dagat Mediteraneo. Islam ang nangingibabaw na relihiyon sa Morocco, na may 99 porsiyento ng populasyon ang sumusunod dito.

                                                                                                                         

3486830

captcha