IQNA

Itinampok ng Algerianong Iskolar ang mga Pananaw ni Imam Khomeini sa Katayuan ng Kababaihan

15:41 - February 10, 2024
News ID: 3006615
IQNA – Itinuring ni Imam Khomeini (RA) ang isang matayog na katayuan para sa kababaihan at binigyang pansin ang kanilang mga karapatan, sabi ng isang iskolar na Algeriano.

Ginawa ni Noura Farhat ang pahayag sa isang talumpati sa isang onlayn na seminar na ginanap sa okasyon ng ika-45 anibersaryo ng tagumpay ng Rebolusyong Islamiko ng Iran.

Ang webinar ay inorganisa ng International Quran News Agency (IQNA) noong Martes sa ilalim ng pamagat na “Modelong Babae ng Rebolusyong Islamiko; Pagpapahalaga sa Sarili at Pagbabagong-buhay ng Pagkakakilanlang Muslim.”

Sinabi ni Farhat na tiningnan ni Imam Khomeini ang kababaihan bilang isa sa mga haligi ng tagumpay ng Rebolusyong Islamiko ng Iran at ang pagpapatuloy nito.

Ang kanyang mga pananaw sa kababaihan ay nagmula sa mga turo ng Islam at ang katayuan ng Hazrat Zahra (SA), sinabi niya.

Itinampok ni Imam Khomeini ang natatanging mga halimbawa mula sa Seerah ng Hazrat Zahra (SA) bilang lahat-lahat na modelo para sa sangkatauhan at lalo na para sa mga kababaihan na sundin, idinagdag niya.

Sinabi pa ng iskolar na ang pagpapangalan ni Imam Khomeini sa anibersaryo ng kapanganakan ni Hazrat Zahra (AS) bilang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay dahil ang pinakamamahal na anak na babae ng Banal na Propeta (SKNK) ay isang huwaran para sa lahat ng kababaihan.

Nais ni Imam Khomeini na ang mga kababaihan ay magkaroon ng katayuan katulad ng kay Hazrat Zahra (SA) batay sa banal na mga turo at ang presensiya ng Diyos sa buhay at sa pamamagitan ng gayong huwaran na maaaring makamit ang paglikha ng sibilisasyon, sabi niya.

Tinukoy din ni Farhat ang ideya ni Imam Khomeini sa edukasyon para sa mga kababaihan at sinabi niyang naniniwala siya na ang pag-aaral ay isang gawa ng pagsamba kapwa para sa mga kalalakihan at mga kababaihan.

Ipinagmamalaki ng yumaong tagapagtatag ng Rebolusyong Islamiko ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa larangan ng edukasyon sa Islamikong Republika ng Iran, sabi niya.

Mula sa pananaw ni Imam Khomeini, ang mga kababaihan ay may mahalagang papel bilang mga ina at mga haligi ng pamilya sa pagpapalaki ng mga mabubuting anak, idinagdag niya.

Ayon kay Farhat, binigyan din ni Imam Khomeini ng kahalagahan ang pagkakaroon ng kababaihan sa mga larangan sa lipunan at pulitika at sa pag-aambag sa pag-unlad ng kanilang bansa.

Sa ibang lugar sa kanyang mga pahayag, binati ng Algerianong iskolar ang anibersaryo ng Rebolusyong Islamiko ng Iran at inilarawan ito bilang isang tagumpay para sa buong Muslim Ummah.

Pinatalsik ng bansang Iraniano ang rehimeng Pahlavi na suportado ng US noong Pebrero 11, 1979, na nagtapos sa 2,500 na mga taon ng pamumuno ng monarkiya sa bansa.

Ang Rebolusyong Islamiko na pinamunuan ng yumaong Imam Khomeini ay nagtatag ng isang bagong sistemang pampulitika batay sa mga pagpapahalagang Islamiko at demokrasya.

Ang mga babaeng Iraniano ay nakagawa ng makabuluhang mga tagumpay mula noong tagumpay ng rebolusyon. Binigyan sila ng pantay na karapatan para hubugin ang kanilang kinabukasan. Ang rebolusyon ay nagbigay din sa kanila ng pagkakataong bumuo ng kanilang natatanging pagkakakilanlan sa pampulitika at sila ay naging matagumpay sa paggawa nito.

                                                                                                                                              

3487122

captcha