IQNA

Sinabi ng Saudi Arabia na Mapapadali ng Nusuk Kard ang Paggalaw ng mga Peregrino

17:30 - May 04, 2024
News ID: 3006962
IQNA – Inilunsad ng Awtoridad ng Saud ang Nusuk kard noong Martes, na nagsasabing mapapadali nito ang paggalaw ng lahat ng mga peregrino sa banal na mga lugar.

Nag-aalok din ito ng ilang mga paglilinglod at mga pribilehiyo na maaaring makamatan sa pamamagitan ng Nusuk at Tawakkalna apps, iniulat ni Asharq al-Awsat noong Huwebes.

Ang Nusuk ay gumaganap bilang isang kard ng pagkakakilanlan para sa mga peregrino. Ito ay isang komprehensibong plataporma na nagpapahintulot sa gumagamit na irehistro ang kanilang personal at datos ng kalusugan at iba pang mahalagang impormasyon. Ang gumagamit ay maaari ring makinabang mula sa isang malawak na hanay ng mga serbisyo, sabi ng ulat.

Maaaring matanggap ng tagapaggamit ang kard sa pamamagitan ng mga opisina ng Hajj pagkatapos nilang makuha ang kanilang pahintulot sa Hajj.

Pinahihintulutan ng Nusuk ang gumagamit na makamtan ang iba't ibang mga serbisyo, katulad ng mga lugar ng tirahan at transportasyon. Nagbibigay din ito ng impormasyon tungkol sa makasaysayang, pangkultura at Islamiko na mga lokasyon.

Bukod pa rito, pinapayagan nito ang mga manggagawang kasangkot sa paglalakbay sa Hajj na matugunan ang mga pangangailangan at serbisyo sa mga peregrino.

Ang Kagawaran ng Hajj at Umrah na si Dr. Tawfiq bin Fawzan Al-Rabiah ay nasa Indonesia kung saan ibinigay niya ang unang Nusuk kard sa Ministro ng mga Gawaing Panrelihiyon na si Yaqut Qoumas.

Nakipagpulong din siya sa matataas na mga opisyal, mgapinuno ng mga kumpanya at mamumuhunan upang talakayin ang mga magagamit na pagkakataon upang maiangat ang mga serbisyong inaalok sa panahon ng Hajj.

                                            

3488176

captcha