IQNA

Dar An-Nur Quran Academy na Ilulunsad sa Dar es Salaam ng Tanzania

16:40 - December 01, 2024
News ID: 3007776
IQNA – Isang sentrong Quraniko na pinangalanang Dar An-Nur Quran Academy ay ilulunsad sa Dar es Salaam, ang pinakamalaking lungsod ng Tanzania, sa malapit na hinaharap.

Ito ang magiging ikalimang opisyal na sentro ng pagtuturo ng Quran na itinatag bilang bahagi ng inisyatiba ng Risalatallah.

Ang Quran and Propagation International Center ng Islamic Culture and Relations Organization ay nagpapatupad ng planong Risalatallah na may layuning palakasin ang mga kakayahan ng Quran ng Iran sa pandaigdigan na antas.

Sinabi ni Hojat-ol-Islam Hosseini Neyshabouri, pinuno ng Quran and Propagation International Center, na sasanayin ng Dar An-Nur Quran Academy ang lokal na mga estudyante at tutulong na palakasin ang mga sentro ng Dar-ol-Quran sa rehiyon

Makakatulong sabi niya ito sa kanila na mag-organisa ng iba't ibang sa personal at birtuwal na Quraniko na mga kurso at mga programa sa mga larangan katulad ng pagbigkas, pagsaulo, pagmuni-muni, atbp.

Sinabi ng kleriko na ang Banal na Quran ay ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK) para sa paggabay sa sangkatauhan tungo sa kaligtasan at pagiging perpekto.

Sa tumpak na pagpapatupad ng mga turo ng Quran, ang mga karamdamang sumasalot sa mga lipunan ng tao ay aalisin at ang katarungan ay mananaig sa mundo, sinabi niya.

Binanggit ni Hojat-ol-Islam Hosseini Neyshabouri na ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko na si Ayatollah Seyed Ali Khamenei ay nagbigay-diin sa espesyal na katayuan ng Banal na Quran at kung paano ang mga lipunang Islamiko ay maaaring gumawa ng espirituwal at materyal na pag-unlad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga turo ng Banal na Aklat.

Iyon ang dahilan kung bakit ang pagtuturo ng Quran at pagtataguyod nito ay napakahalaga at ang pagtatatag ng mga sentro ng Dar-ol-Quran sa iba't ibang mga bansa ay maaaring maging isang epektibong hakbang upang maikalat ang mga turo ng Quran, sinabi pa niya.

 

3490874

captcha