Nag-post si Valentina Gomez ng isang video sa X kung saan makikita siyang sinusunog ang isang kopya ng Quran. Ang video ay may pamagat na: “Wawakasan ko ang Islam sa Texas, tulungan nawa ako ng Diyos.” Mabilis itong naging viral at nakatanggap ng matinding batikos mula sa mga grupong Muslim, mga lider pampulitika, at mga netizen onlayn. Sa video, sinabi niya: “Ang Amerika ay isang bansang Kristiyano, kaya’t puwedeng lumayas ang ‘teroristang’ mga Muslim sa alinman sa 57 na mga bansang Muslim. Iisa lamang ang tunay na Diyos, at Siya ang Diyos ng Israel.” Hindi ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita si Gomez dahil sa pagtutok sa mga komunidad ng Muslim. Noong Mayo 2025, sumugod siya sa entablado sa Texas Muslim Capitol Day, isang taunang kaganapan sa pakikipag-ugnayan ng sibiko sa State Capitol.
Kinuha niya ang mikropono at sumigaw: “Walang lugar ang Islam sa Texas. Tulungan ninyo akong makapasok sa Kongreso upang wakasan natin ang pagiging Islam ng Amerika. Diyos lamang ang aking kinatatakutan.” Nabulabog ang kaganapan, na kinabibilangan ng panalangin, pagsasanay, at mga pakikipagpulong sa mga mambabatas, dahil sa kanyang ginawa. Kinondena ng Council on American-Islamic Relations (CAIR) ang kanyang mga pahayag at nagbabala na ang ganitong asal ay nagpapalala ng Islamopobiya at nagbabanta sa kalayaan sa relihiyon sa Estados Unidos. Binatikos din si Gomez dahil sa iba pang mapanuksong gawain. Noong Disyembre 2024, naglabas siya ng kampanya sa video na nagpapakita ng kunwaring pagbitay sa isang nakatakip na imigrante habang nananawagan ng “publikong pagbitay” sa hindi dokumentado na mga dayuhan. Nilimitahan ng panlipunag media na plataporma ang nasabing video dahil sa marahas na nilalaman nito.
Tumataas ang Islamopobiya — Ang video ni Gomez ng pagsusunog ng Quran ay lumabas sa panahong dumarami ang Islamopobiya sa iba’t ibang mga panig ng mundo, kabilang na ang Estados Unidos.
Ayon sa mga grupong nagtataguyod ng karapatan ng mga Muslim, tumaas ang mga kaso ng anti-Muslim na talumapati ng poot at mga pangyayari, lalo na sa mga pulitiko mula sa dulong-kanan. Sa nagdaang mga taon, ilang Republikano na mga pulitiko at mga kandidato ang gumamit ng retorikang laban sa mga Muslim upang makuha ang suporta ng ilang mga botante. Lalo nitong hinati ang lipunan sa Estados Unidos. Ang pangyayari ay kahalintulad din ng kontrobersiyang mga nangyari sa Uropa. Sa Sweden, ilang dulong-kanan na mga aktibista ang nagsunog ng Quran sa labas ng mga moske noong 2023 at 2024, na nagpasiklab ng mga protesta sa iba’t ibang mga bansang mayoryang Muslim. Kinondena ng pamahalaang Sweko ang mga kilos ngunit ipinagtanggol ito bilang sakop ng kalayaan sa pagpapahayag.
Maraming mga Muslim, sa Estados Unidos at sa ibang bansa, ang nakikita ang ganitong mga gawain hindi bilang malayang pagpapahayag kundi bilang sinadyang pag-atake sa kanilang pananampalataya at pagkakakilanlan. Binigyang-diin ng mga grupong nagtataguyod ng karapatan na ang tunay na pagprotekta sa kalayaan sa relihiyon ay nangangahulugang walang komunidad ang dapat gawing target ng poot.