IQNA

Inanunsyo ng Dalubhasa sa Quran mula Ehipto ang Pagkumpleto ng ‘Mushaf Al-Ummah’

17:03 - September 04, 2025
News ID: 3008813
IQNA – Inanunsyo ni Sheikh Ahmed Al-Maasrawi, sino naninirahan sa Malaysia sa loob ng ilang mga taon, ang matagumpay na pagtatapos ng kanyang misyon sa isang pinagsamang proyekto kasama ang Restu Quran Printing Foundation.

Sheikh Ahmed Al-Maasrawi, the Sheikh of the Egyptian reciters, has been residing in Malaysia for several years,

Kasama sa proyekto ang pagtatala ng pagbasa ng Banal na Quran ayon sa mga pagbasa at mga salaysay na kinikilala ng mga iskolar, at higit sa lahat, ang pagsasama ng pisikal na kopya at elektronikong kopya ng buong Banal na Quran na tinawag na Mushaf Al-Ummah. 

Si Al-Maasrawi, na dating Grand Sheikh ng Quraa sa Ehipto, ay natapos ang pagtatala ng pagbasa ilang mga linggo na ang nakalipas at nagsimula nang makipagtulungan sa Restu Foundation upang mai-upload ito sa elektronikong mga aplikasyon, kung saan maaaring pakinggan ng mga bumabasa ng Quran ang kanilang nais na salaysay.

Inangkop at pinagyaman ni Al-Maasrawi ang proyektong ito matapos ang walong mga taong pagsisikap sa Malaysia, mula sa isang katulad na proyekto sa Pakistan na kanyang nilahukan, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Banal na Quran ay naitala sa Malaysia gamit ang iisang tinig ayon sa lahat ng kinikilalang mga salaysay.

Si Al-Maasrawi ay isang propesor sa Unibersidad na Islamiko ng Al-Azhar at dating pinuno ng Komite ng Quran ng Al-Azhar.

Sa isang panayam sa Al Jazeera, ibinahagi niya ang kanyang mga pangarap na mamuhay ng buong buhay kasama ang Quran. Narito ang ilang mga sipi mula sa panayam:

Q: Maaari po bang ikuwento ninyo ang tungkol sa inyong sarili.

A: Nagsimula ang aking buhay sa isang nayon sa Dakahlia (Ehipto), kung saan nakabisado ko ang Quran sa edad na 10. Pagkatapos ay sumali ako sa Institusyong Pagbigkas ng Quran sa Shibra at nakamit ang pinakamataas na antas akademiko doon, na dalubhasa sa pagbasa ng Quran. Matapos nito, nakatanggap ako ng mas mataas na antas sa Arabik at Islamikong mga pag-aaral mula sa Unibersidad ng Al-Azhar, sinundan ng master’s degree at doctorate sa Hadith.

Q: Ano ang nagtulak sa inyo na pag-aralan ang agham ng Qaraat (pagbasa)?

A: Natutunan ko ang agham ng pagbasa sa sistematiko at akademikong paraan mula sa mga propesor sa unibersidad. Ang agham ng pagbasa ay kakaiba at bihirang agham na iilan lamang ang tunay na bihasa. Dahil dito, pinili kong pag-aralan ito kasama ang lahat ng mga sangay nito, sapagkat hindi lamang ito nakatuon sa agham ng pagbasa, kundi konektado rin sa agham ng pagsulat ng Quran at ang mga palatuldikan nito, pati na rin ang iba’t ibang agham kagaya ng Waqf at Ibtida.

Ito ay maraming mga agham na tanging mga eksperto lamang ang nakakaalam at iilan lamang ang tunay na mga bihasa sa larangang ito.

Q: Ngayon na kayo ay naninirahan sa Malaysia, ano pong mga gawaing may kaugnayan sa Quran ang nais ninyong gawin?

A: Nag-aral ako sa Institusyon ng Pagbigkas ng Quran sa Al-Azhar at napansin ko na maraming mga mag-aaral na Malaysiano ang nag-aaral doon. Sa katunayan, ang mga mag-aaral na Malaysiano ang bumubuo ng pinakamalaking bilang ng banyagang mga mag-aaral na ipinadala doon. Una akong nakarating sa Malaysia noong 1979 at ilang ulit na akong nakabalik sa bansa mula noon. Nakapunta na rin ako sa iba’t ibang mga institusyon na pagbigkas ng Quran sa Malaysia. Ang interes ng Malaysia sa pagbasa ng Quran ay matagal na, hindi bago. Kaya napagtanto ko na ang mga mamamayang Malaysiano, lalo na ang mga mag-aaral may interes dito, ay nangangailangan ng taong tutulong at gagabay sa kanila upang maikalat ang agham na ito at maabot ang mataas na antas ng kasanayan at kahusayan.

Q: Ano po ang inyong personal na proyekto?

A: Ang personal na proyekto ko dito kasama si Propesor Abdul Latif Mirasa, ang may-ari ng Quran Publishing Complex na kilala bilang Restu Foundation, ay ang pagpirma namin ng memorandum ng pag-uunawa upang makagawa ng isang proyekto para sa mga pagbasa ng Quran na tinatawag na ‘Mushaf Al-Ummah’ (Ang Quran ng Bansang Muslim), na alin kinabibilangan ng sampung mga pagbasa. Kailangan ng mga mag-aaral na Malaysiano ang kaalamang ito, sapagkat nag-aaral sila sa Ehipto at sa ilang mga bansa katulad ng Saudi Arabia at pagkatapos ay bumabalik sa kanilang bansa upang magturo sa mga mag-aaral na Malaysiano.

Kung ito ay sumikat sa mga mag-aaral na Malaysiano, lalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa agham na hawak nila, lalo na kung ito ay nakasulat at siyentipiko. Ang Mushaf Al-Ummah ay isang natatanging proyekto. Ang Restu Foundation ay naglalathala ng maraming mga kopya ng Quran, ngunit maraming mga salaysay, tulad ng salaysay ni al-Susi mula kay Abu Amr, salaysay ni Hisham mula kay Ibn Amr, salaysay ni al-Duri mula kay Ibn Hashim, salaysay ni al-Duri mula kay Kasa’i, at salaysay ni Khalaf mula kay Hamza, ang hindi pa nailalathala. Kung mayroon man, ito ay nakakalat sa iba’t ibang mga bansa at hindi gaanong nabibigyang-pansin. Natuklasan ko na ang Malaysian Quran Printing and Publishing Complex ay labis na interesado sa isyung ito, lalo na’t mayroon itong kakayahan na wala sa maraming bahay-imprentahan ng Quran. Marami na akong nalibot at nadaanang imprenta ng Quran, ngunit wala akong nakita na kasinglaki at kasinglawak ng kompleks na ito.

Q: Ang pagkaunawa ko po sa sinabi ninyo ay may pagsasanib sa pagitan ng nakaimprenta at elektronikong mga bersyon ng Quran sa inyong plano. Maaari po ba ninyo itong ipaliwanag sa amin?

A: Sa katunayan, ang ideya ng pagtatala ng mga salaysay at pag-upload ng kanilang mga audio file sa nakaimprentang bersyon ng Quran ay unang iminungkahi sa Pakistan. Ako ang namahala sa proyektong ito noong 2016, na alin naging dahilan upang itala ko ito gamit ang aking sariling tinig. Hindi ko pinupuna ang sinuman, ngunit hindi lahat ay pantay sa pagbasa at pagtutuwid ng Quran. Ako ang tagapangasiwa nito sa University of Lahore at ilang mga kopya nito ang nailimbag para sa Kuwait. Ngunit bilang isang ganap at pinagsamang proyekto na may iisang audio, hindi ito natuloy. Kaya nagpasiya akong simulan ang proyektong ito at sinimulan kong itala ang mga salaysay ng Quran sa Malaysia noong 2018 at natapos ko ito kamakailan lamang. Alhamdulillah, umabot ng walong mga taon ang proseso ng pagtatala.

Q: Alam natin ang pitong at sampung mga pagbasa… ngunit saan nagmula ang dalawampung mga pagbasa?

A: Ang pagbasa ay isang bagay at ang salaysay ay isa pa. Ang pagbasa ay iniuugnay sa isang pinuno, kagaya ng narinig natin sa pagbasa ni Imam Nafi, salaysay ni Qalun o Warsh. Kaya’t ang pagbasa ay nakatalaga sa pinuno, ngunit ang salaysay ay iniuugnay sa kanyang mag-aaral. Kaya’t sinasabi natin: Salaysay ni Hafs mula kay Asim; ibig sabihin, ang pagbasa ay para kay Imam Asim at ang salaysay ay para kay Hafs, sino kanyang mag-aaral.

Q: Ano ang ibig sabihin ng “Quran ng Ummah” dito?

A: Ang ibig sabihin nito ay isang Quran para sa buong Muslim Ummah.

Q: Paano naman ang ibang mga bersiyon ng Quran? Hindi ba’t para rin sila sa Muslim Ummah?

A: Ito ay isang pangalan lamang. Bawat proyekto ay may pangalan, at sinuman ay maaaring pumili ng pangalan na nais nila: Mushaf al-Ummah (Quran ng Bansa), Mushaf al-Hufaz (Quran ng mga Nakapagsaulo), Mushaf al-Faezeen (Quran ng mga Pinili), o Quran Majid. Maraming mga pangalan ang maaaring gamitin. Ako ay nakipagkasundo sa mga opisyal ng Restu Foundation na ang pagtatala na ito ay tatawaging ‘Mushaf al-Ummah: Isang Komprehensibong Kalipunan ng 10 mga Pagbasa’. Alhamdulillah, napili ang pinakamahusay na mga kaligrapo upang isulat ang Mushaf na ito, at ang pinakamagaling sa kanila ay si Abdul Baqi, sino siyang sumulat ng Quran na ito.

Q: Bakit tayo umaasa sa mga kaligrapo kung mayroon naman tayong makabagong teknolohiya sa elektronikong pag-imprenta?

A: May mga limitasyon ang teknolohiya. Ang pag-imprenta ay ginagawa batay sa mga kopya ng sulat-kamay ng mga kaligrapo. Ang mga kompiyuter ay makakagawa lamang ng mga font batay sa isinulat ng mga kaligrapo, maliban kung ito ay isang karaniwan na font. Ang mga tao ay nakasanayan na makita ang Quran sa isang maganda at maringal na anyo, at ang kaligrapya ay tunay na nagiging maganda lamang kung ito ay isinulat ng isang kaligrapo.

Q: Mayroon bang paglipat mula sa nakaimprentang Quran patungo sa digital na Quran?

A: Ang Digital Quran ay kinabibilangan ng manuskrito at elektronikong mga bersiyon. Gayunpaman, may malaking pagkakaiba sa pagitan ng isang magandang manuskrito na may 100% tamang palatuldikan at ng isang elektronikong bersiyon. Halimbawa, kung gagamit tayo ng cellphone at bubuksan ang aplikasyon ng Mushaf Medina, ang Quran na iyon ay kinuha mula sa orihinal na manuskritong Medina.

Q: Nais ko pong itanong ang tungkol sa uri ng pagpapatupad ng proyekto. Ang Mushaf ba na ito ay nasa Tajweed o Tarteel? 

A: Ang Tajweed at Tarteel ay iisa lamang, sapagkat sinabi ng Diyos: “At basahin ang Quran nang may Tarteel.” Gayunpaman, ang Tarteel ay kilala ngayon bilang matatas na pagbasa, na ang ibig sabihin ay ang bumabasa, gaya ng naririnig natin mula kay Sheikh Abdul Basit o Al-Husari, ay bumibigkas ng mga nabasa at kinikilalang Quran. Ngunit pagdating sa Tajweed, ang bumabasa ay dapat bihasa sa Tajweed. Sa kasalukuyan, ang Majood ay yaong bumabasa na may magandang tinig.

Q: Binanggit ninyo ang Restu Foundation. Nais kong tapusin sa pamamagitan ng pagtalakay sa papel ng sentrong ito sa proyekto ng Mushaf Al-Ummah.

A: Napakahalaga ng papel na ipinagkatiwala sa Restu Foundation. Hindi ko magagampanan, ni sinumang iba, ang paggawa ng Mushaf Al-Ummah na may sampung mga pagbasa nang mag-isa. Kayang gampanan ng Restu Foundation ang tungkuling ito dahil mayroon itong maraming mga kaligrapo, kabuuang 10, at maraming mga manuskrito ng Quran. Dahil dito, naging mas madali para sa amin na maisalin ang mga salaysay sa mga manuskritong ito, na kung hindi ay aabutin ng napakahabang panahon. 

 

3494451

captcha