IQNA

"Magtuon sa Kung Ano ang Nagkakaisa sa Atin": Isang Aktibista sa Malaysia ang Nanawagan sa mga Muslim na Magsama-sama

3:52 - September 21, 2025
News ID: 3008873
QNA – Isang aktibista sa Malaysia ang nagsabi na kailangang magtuon ang mga bansang Muslim sa mga pagkakapareho at magkaisa upang harapin ang karaniwang mga banta.

‘Focus on What Unites Us’: Malaysian Activist Urges Muslims to Stand Together

Sa isang panayam ng IQNA sa gilid ng ika-39 na Pandaigdigang Kumperensiya ng Pagkakaisang mga Islamiko, nanawagan si Zuhri Yuhyi para sa mas matibay na pagkakaisa ng mga bansang Muslim at mas malaking suporta para sa Gaza.

“Sa katunayan, ang dapat nating gawin bilang isang bansang Islamiko ay magtulungan,” sabi ni Zuhri, sino namumuno sa Kagawaran ng Estratehiya at Pananalapi ng Malaysian Consultative Council of Islamic Organization (MAPIM).

Binigyang-diin niya na dapat magtuon ang mga Muslim sa kanilang pinagsasaluhang mga paniniwala sa halip na sa mga pagkakaiba, at idinagdag na ang shahada, o mga patotoo ng Islam, ang dapat maging pundasyon ng pagkakaisa.

Ipinahayag ni Zuhri na ang pagbibigay-diin sa mga pagkakapareho ay makapagtatawid sa mga hidwaan sa loob ng Ummah. Sinabi niya na ang mga pagtitipon ng mga iskolar mula sa iba’t ibang mga paaralan ng kaisipan ay nakatutulong sa pagbuo ng tiwala at pag-unawa, at dahil ang mga iskolar ay may impluwensiya sa lipunan, ang ganitong mga pagtitipon ay maaaring maglapit sa mga bansang Muslim.

Tungkol sa tugon ng Malaysia sa nagaganap na pagapatay ng lahi sa Gaza, binigyang-diin ni Zuhri ang matagal nang gawaing makatao ng kanilang bansa. Sinabi niya na nagbigay sila ng tulong sa pagkain, mga damit para sa taglamig, at pansamantalang mga paaralan para sa mga Palestino. Sa kasalukuyan, 45 na Malaysiano ang sakay sa pandaigdigang flotilla para sa Gaza na binubuo ng 20 na mga barko na umalis mula sa mga pantalan sa Espana, Tunisia, Italya, at Sicily.

Binigyang-pansin din niya na nagsasagawa ang mga Malaysiano ng lingguhang mga demonstrasyon sa harap ng tanggapan ng UN sa Kuala Lumpur. “Tungkulin ng Ummah Islamiko na ipagtanggol ang Al-Aqsa.Hindi kumpleto ang Ummah kung wala ang Moske ng Al-Aqsa,” sabi niya.

Magbasa Pa:

• Ang Seerah ng Propeta ay Nag-aalok ng Gabay para sa Pagkakaisa: Isang Pinuno ng Tribo sa Iraq

Binanggit ni Zuhri ang sinabi ni Propeta Muhammad (SKNK): “Kung ang isang bahagi ng katawan ay nasugatan, ang buong katawan ay naghihirap. Kaya sa palagay ko, dapat nating madama ang sakit ng mga ama, mga ina, at mga bata sa Gaza.”

Ang mga pahayag ay dumating kasabay ng ulat na mula nang magsimula ang digmaan sa Gaza noong Oktubre 2023, mahigit 65,000 na mga Palestino na ang napatay sa mga pag-atake ng Israel. Noong nakaraang linggo, kinilala ng isang komite ng United Nations ang marahas na digmaan bilang pagpatay ng lahi habang patuloy ang walang humpay na pag-atake sa lupa at himpapawid ng rehimeng Israeli, kasabay ng pagpigil sa pagpasok ng tulong sa nasabing lugar. Itinampok din ng mga grupong pangkarapatang pantao na ginagamit ng rehimen ang gutom bilang sandata ng digmaan.

Mga Aral ng Propeta at mga Hamon

Nang tanungin tungkol sa paglaban sa negatibong impluwensiya ng pangkultura, sinabi ni Zuhri na nagmumula ang problema kapwa sa mga paghigpit ng Kanluran at sa panloob na kahinaan.

Nagbabala siya na nananatiling isang suliranin ang mga pagsisikap na ilayo ang mga Muslim mula sa Quran, at idinagdag: “Laging may agenda ang mga Anglo-Saxon na alisin ang Quran mula sa Ummah dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihan sa buhay.” 

Binigyang-diin niya na dapat gumanap ng mas malaking papel ang mga iskolar sa paggabay sa kabataan, at binanggit na “ang papel ng mga iskolar ay ang makapagsalita sa kabataan gamit ang kanilang wika.”

Ang Pagtanggol sa Sarili ng Iran ay ‘Kahanga-hanga’

Sa ibang bahagi ng kanyang pahayag, pinuri ng aktibista ang ginawa ng Iran na pagtatanggol sa sarili sa loob ng 12 araw na digmaan na inilunsad ng rehimeng Israel at ng US noong Hunyo.

Sinabi niya na ang ipinakitang lakas ay “kahanga-hanga at nakapagbibigay-inspirasyon” at iginiit na maraming mga Malaysiano ang naniniwalang kayang hamunin ng Iran ang Israel.

Inilarawan niya ang mga ginawa ng Iran bilang lehitimong pagtatanggol sa sarili, habang kinokondena ang Israel dahil sa paglabag nito sa pandaigdigang mga alituntunin.

Inilunsad ng rehimeng Israel ang malawakang paglusob sa lupaing Iraniano noong Hunyo 13, na tumarget sa iba’t ibang mga pasilidad militar at nuklear at pumatay ng nangungunang mga heneral at siyentipikong nukleyar, gayundin ng karaniwang mga sibilyan. Nakilahok din ang Estados Unidos sa pagsalakay sa pamamagitan ng pagtutok sa mapayapang mga pasilidad nukleyar ng Iran sa gitna ng bansa.

Magbasa Pa:

• Ang Paglusob ng Israel sa Iran ay Nag-aalok ng 3 Mahahalagang mga Aral para sa Pandaigdigang Timog: Ayon sa Isang Akademiko

Bilang tugon, binomba ng Sandatahang Lakas ng Iran ang rehimen at ang mga pasilidad militar at industriyal nito, gamit ang bagong mga henerasyon ng mga misayl na tumama nang tumpak sa itinakdang mga target. Tumugon din ang Iran sa US sa pamamagitan ng pagtutok sa mahalagang himpapawid na base militar nito sa Qatar.

Pagkalipas ng 12 na mga araw, napilitang magdeklara ng isang panig na tigil-putukan ang rehimeng mananakop sa ilalim ng kasunduang iminungkahi ng Washington.

 

3494668

captcha