Inanunsyo ng mga opisyal mula sa Samahan ng Awqaf at Kawaggawa na mga Gawain ng Iran ang mga detalye ng huling yugto ng pinakakilalang kumpetisyong Quraniko sa bansa, na naglalayong palaganapin ang pagkakaisa, itaguyod ang kaalaman sa Quran, at kilalanin ang natatanging mga talento sa larangang Quraniko.
Ayon kay Hamid Majidi-Mehr, direktor ng Sentrong mga Gawain na Quraniko ng naturang organisasyon, malawak ang naging partisipasyon ngayong taon sa kumpetisyon, kabilang na ang kasapi ng mga komunidad ng Sunni. Mahigit 61,000 katao ang nagparehistro sa lokal na antas, kung saan 4,000 sa kanila ay mula sa pinagmulan ng mga Sunni, sinabi niya sa isang pres-konperensiya noong Linggo.
Ibinahagi ni Majidi-Mehr na ang kaganapang ito ay opisyal nang kinilala bilang Pambansang Kumpetisyon ng Quran ng Islamikong Republika ng Iran nitong nakaraang mga taon. “Ipinagdiriwang namin ang edisyon ngayong taon sa temang ‘Ang Quran, ang Aklat ng Pagkakaisa,’” sabi niya.
Idinagdag niya na muling isinama sa kumpetisyon ang mga kategorya para sa mga kalahok na wala pang 18 taong gulang, makalipas ang muling pagbabalik nito dalawang taon na ang nakalipas.
Ayon sa kanya, patas na ngayon ang labanan ng mga kalalakihan at mga kababaihan, na may magkaparehong mga gantimpala. “Mula pa tatlong mga taon na ang nakalilipas, isinama na rin ang pagbigkas ng Tarteel para sa kababaihan, at pinantay na ang mga premyo para sa parehong mga kasarian,” dagdag pa niya.
Inihayag din ng opisyal ng Quran ang ilang karagdagang kaganapan sa Lalawigan ng Kurdestan, na alin siyang magiging punong-abalang rehiyon ng mga panghuli ngayong taon. “Nakaplano kaming magsagawa ng 120 na mga pagtitipon ng Quran sa iba’t ibang mga bayan ng lalawigan,” sabi niya. “Labing-anim na pandaigdigan na mga tagapagbasa ang gaganap sa mga sesyong ito, na nagsimula noong Oktubre 7.”
Sabi niya, sampung mga paggawaan na pang-edukasyon para sa mga iskolar ng Quran at mga kalahok ang isasagawa kasabay ng isang eksibisyon ng mga produktong Quraniko. Ang kaganapan ay ipalalabas nang buhay sa Quran TV ng IRIB.
Inilatag ni Mohammad Shakiba, kinatawang direktor ng Sentro ng mga Gawain na Quraniko, ang estruktura ng huling yugto ng kumpetisyon, na may kabuuang 330 na mga kalahok. Maglalaban ang mga kalahok sa iba’t ibang mga kategorya katulad ng pagbigkas ng Quran (Tahqiq), pagbigkas ng Tarteel, buo at bahagyang pagsasaulo (Hifz), Adhan (panawagan sa pagdasal), pagtbigkas ng Du’a, at pagbigkas ng koro.
Ayon kay Shakiba, sa seksyon ng kalalakihan ay kabilang ang pagbigkas, pagsasaulo, Adhan, at pagbigkas ng Du’a. Samantala, sa seksyon ng kababaihan ay makikilahok naman sila sa pagbigkas, pagsasaulo, at pagtanghal ng koro.
Magsisimula ang panghuli na yugto sa pamamagitan ng isang seremonya ng pagbubukas sa Sabado, Oktubre 18, mula 9:30 hanggang 11:30 ng umaga, na susundan ng pagsisimula ng mga paligsahan ng kalalakihan sa hapon. Magpapatuloy ang mga ikot na oral hanggang Linggo, Oktubre 26. Magsisimula naman ang kumpetisyon ng kababaihan sa Biyernes, Oktubre 24, at parehong matatapos sa Lunes, Oktubre 27, sa seremonya ng pagtatapos.
Inanunsyo rin ni Shakiba na gaganapin ang isang pandaigdigan na kongresong Quraniko na pinamagatang “Quran Negel” kasabay ng naturang kaganapan. “Ang malaking pagtitipong ito ay magtitipon ng mga tagapagbasa ng Quran na nagsasalita ng Kurdish mula sa kanlurang mga lalawigan ng Iran, gayundin mula sa Rehiyon ng Kurdistan ng Iraq at Turkey,” sabi niya.
Ang taunang Pambansang Kumpetisyon ng Banal na Quran, na inorganisa ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Gawain, ay ang pinakamalaking kumpetisyong Quraniko sa Iran at pangunahing plataporma para matuklasan at mapaunlad ang mga talento sa larangan ng Quran.
Ang nangungunang mga nagwagi sa pambansang kumpetisyon ay karaniwang kinakatawan ang Iran sa pandaigdigan na mga kumpetisyong Quraniko sa iba’t ibang mga panig ng mundo.