IQNA

Libu-libong Mamamayan ang Dumalo sa Ika-48 na Pambansang Paligsahan ng Quran sa Sanandaj

16:50 - October 29, 2025
News ID: 3009012
IQNA – Ayon sa isang opisyal, tinatayang mahigit 5,000 na mga residente ng lalawigan ng Kurdestan ang dumadalo araw-araw sa pambansang paligsahan ng Quran.

Thousands of Locals Attend 48th National Quran Competition in Sanandaj

Nagsimula noong Oktubre 18 sa Sanandaj ang Ika-48 na edisyon ng Pambansang Paligsahan ng Quran ng Iran at magtatapos sa Oktubre 27 sa pamamagitan ng isang seremonya ng pagtatapos na dadaluhan ng pambansa, panlalawigan, at kilalang mga personalidad.

Ayon kay Hojjat al-Islam Mohammad Karvand, pinuno ng Kagawaran ng mga Panloob at Kawanggawa na mga Gawain ng Kurdestan: “Sa pagkakataong ito, nasaksihan namin ang di-mapantayang pagtanggap ng publiko sa paligsahan. Napuno ang pangunahing bulwagan at ang ikalawang bulwagan, at wala nang kahit isang bakanteng upuan sa looban.”

Dagdag ni Karvand, ang mga kalahok mula sa 31 na mga lalawigan ay nagtipon sa Sanandaj matapos magwagi sa panlalawigang mga yugto ng paligsahan.

Sinabi rin ni Karvand na walang kaganapan sa pangunahing gusali sa umaga ng araw ng pagtatapos. Ang seremonya ay itinakda para sa ika-6 ng gabi.

Ipinaliwanag din niya na pararangalan ang mga nangungunang kalahok sa bawat kategorya.

Sa ilang mga dibisyon, ang mga gantimpala ay hanggang ikalimang puwesto, at pangunahing mga nagwagi ay magpapatuloy sa pandaigdigang mga paligsahan. Muling binigyang-diin niya na “sa karaniwan, mahigit 5,000 katao bawat araw ang pumapasok sa mga bulwagan at karatig na mga lugar ng paligsahan upang panoorin ang mga kaganapan.”

Binigyang-diin din ni Karvand ang pagkakaiba-iba ng etniko at rehiyonal ng mga dumalo. Napansin niya na ang mga tao mula sa iba’t ibang mga panig ng bansa ay dumating sa Kurdestan, at ang mga residente ng Sanandaj at mga karatig-bayan ay dumalo na nakasuot ng tradisyunal na kasuotang Kurdish, na lumikha ng isang natatanging espiritwal at pangkultura na kapaligiran.

 

3495166

captcha