
Ayon sa ulat ng Al-Mu’shir website, binuksan ang bagong mga sangay bilang bahagi ng pagpapalawak ng relihiyosong edukasyon at pagsasauylo ng Quran, kasunod ng tagumpay ng pandaigdigang plataporma para sa onlayn na pag-aaral ng Quran, upang matugunan ang pangangailangan ng mga nais matuto nang direkta sa mga lugar na walang ganitong mga sangay.
Layunin nito na mapadali ang pagsasaulo ng Quran at mapalawak ang akses sa relihiyosong edukasyon para sa mga mamamayan sa nasabing mga lugar, dagdag pa ng institusyon.
Ayon sa institusyon, ang pagbubukas ng mga sangay ay alinsunod sa patnubay ni Sheikh Ahmed Al-Tayeb, pinuno ng Al-Azhar, sino nagbibigay ng espesyal na pansin sa pagpapalawak ng mga sangay ng Al-Azhar Quran sa nasabing bansang Arabo.
Ayon kay Abdul Munim Fouad, isang opisyal ng Al-Azhar, ang pagbubukas ng bagong mga sangay ay nagsisilbing tulay upang maiugnay ang bagong mga lungsod sa katamtamang pamamaraan ng Al-Azhar.
“Sinisikap naming magbigay ng natatanging edukasyonal na mga serbisyo na malaya sa ekstremistang mga ideya sa larangan ng pagsasulo ng Quran at mga agham Qur’aniko, at maprotektahan ang aming mga kabataan at mga bata laban sa ekstremismo,” dagdag niya.
Ayon kay Hani Awdah, tagapangalaga ng Moske ng Al-Azhar, ang proseso ng pagtuturo sa bagong mga sangay ay isasagawa alinsunod sa mataas na pamantayan ng kalidad at katumpakan na sinusunod sa Institusyon ng Pagsasaulo ng Quran ng Malaking Moske ng Al-Azhar.
Sinabi niya na ang pagbubukas ng mga sangay na ito ay magbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa libu-libong tao sino nagnanais magsaulo ng Quran at mas maunawaan ang relihiyoso at sekular na mga agham.