IQNA

Itataas ang Watawat na ‘Ipinanganak ng Kaaba’ sa Itaas ng Simboryo ng Dambana ng Imam Ali

17:09 - December 29, 2025
News ID: 3009240
IQNA – Sa araw na ito, Disyembre 28, 2025, magaganap ang pagdiriwang ng pagtataas ng watawat sa patyo ng banal na dambana ni Imam Ali (AS) sa Najaf, Iraq.

The holy shrine of Imam Ali (AS) in Najaf, Iraq

Ito ay gaganapin bilang paghahanda sa mahalagang pagdiriwang ng kaarawan ng unang Imam (AS). Inanunsyo ng Astan (tagapangalaga) ng banal na dambana sa isang pahayag, “Mula sa lilim ng marilag na dambana ng Komander ng mga Tapat (AS), kasama ang banal na hininga ng Wilayat (pangangalaga) at sa kasiyahan ng kaarawan ng Komander ng mga Tapat na si Ali ibn Abi Talib (AS), itataas ang watawat ng kapanganakan,” ayon sa ulat ng al-Furat.

Dagdag pa nito, “Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagdiriwang ng pagtataas ng watawat sa kaarawan ng Komander ng mga Tapat Ali ibn Abi Talib (AS) sa okasyong ito ng pagpapala.”

Naghanda ang Astan ng isang komprehensibong palatuntunan upang gunitain ang kaarawan ni Imam Ali (AS) sa ika-13 ng Rajab (Enero 3, 2026), na may partisipasyon ng lahat ng mga departamento, mga sangay at mga yunit, na alin tatagal ng isang linggo.

Bukod dito, naghanda rin ng mga kaayusan upang mapagsilbihan ang mga peregrino na bibisita sa dambana sa Najaf upang gunitain ang pagdiriwang ito.

Sa okasyong ito rin, pinalamutian ng Astan ang banal na dambana ng libu-libong mabangong mga bulaklak.

 

3495875

captcha