IQNA

9:02 - March 05, 2017
News ID: 2090076
Ang bagong alon ng Islamikong paggising at ang mga pagsisikap ng mga bansang Muslim na pagpasyahan ang kanilang kapalaran ay mga mahahalagang hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng Islamikong pagkakaisa, sinabi ng pinuno ng Samahan ng mga Iskolar ng Tyre, Lebanon.
Binigyan diin ni Sheikh Ali Yasin, na nasa Tehran kamakailan lamang upang dumalo sa ika-24 na Pandaigdigang Sanggunian sa Islamikong Pagkakaisa, na puputulin ng Islamikong Ummah ang mga kamay ng mga rehimeng Estados Unidos, Zionista, at lahat ng mga gustong maghasik ng di-pagkakaintindihan ng mga Muslim.

Ayon sa kanya ang Islamikong Ummah ay gising na at ang mga mamamayan na ang magpapasya ng kanilang kapalaran.

Sa kanyang pagbigay diin sa kahalagahan ng sanggunian ukol sa pagkakaisa, sinabi niya na ang sigalot sa gitna ng mga Muslim ay hindi sanhi ng Fiqh (Islamic jurisprudence), kundi nagsisimula sa mga polisiya ng mga ibang Islamikong bansa. “Ang mga polisiyang ito ang lumilikha ng di-pagkakaisa. Umaasa kami na mapuwersa ng sangguniang ito at ng lahat ng mga dumalong iskolar ang mga pulitiko na isantabi ang kanilang pagkakaiba sa pulitika.

Ayon pa sa kanya, “ang Iran ang nangunguna sa Islamikong pagkakaisa at ang mga Muslim sa mundo ay tumitingala sa Iran.”

Binanggit rin ni Sheikh Ali Yasin sa kanyang panayam na kinakailangang sumangguni ang Islamikong Ummah sa mga katuruan ng Banal na Qur’an at sa Sunnah ng Banal na Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan).


754773
Name:
Email:
* Comment: