IQNA

22:53 - March 18, 2017
News ID: 2097442
Tinuligsa ng Islamikong Kongreso ng Jerusalem ang mga pagsalakay ng mga Zionista sa mga pasukan patungo sa sagradong Moske ng Al Aqsa at ang mga paglabag laban sa lungsod ng Al Quds.
Sa isang pahayag na ibinigay sa mga mamamahayag, ang Kongreso, na nakabase sa Amman, ay nagsabing ang Lungsod ng Al Quds (Jerusalem) at ang banal na Moske ng Al Aqsa ay nakalantad, sa mga sandaling ito, sa Zionistang paghamon hanggang sa tahasang banta ng mga mananakop na puwersa, mga dayuhang Hudyo at mga Hudyong naniniwala sa pagka labis na mahigpit na sumusubok na mapasok ang Moske ng Al Aqsa sa anumang pamamaraan upang itaguyod ang kanilang mga seremonyang pangrelihiyon.

Inulit rin sa pahayag na ang kahuli-hulihan sa mga pananakot na ito ay isang anunsyo ng mga mapanakop na awtoridad ng munisipyo ng Jerusalem na nagbibigay ng lisensya sa Pundasyon ng Pamana ng Kanlurang Pader (Western Wall Heritage Foundation), isang establisyamento ng mga Hudyong naniniwala sa pagka labis, na magpatuloy sa pagpapatayo ng tulay na bakal na mag-uugnay sa banal na Moske ng Al Aqsa sa kanyang mga patyo, sa pagdadahilan na ito ay para lamang mapadali ang daan ng mga Hudyo papunta sa Wailing Wall, at ito rin ay nagpapadali sa paglusob ng mga sasakyang pang-militar sa Moske ng Al Aqsa kahit anong mang oras.

Ang pagsalakay na ito ay nagaganap sa panahon ng kahinaan ng mga Arabo at ng karupukan ng Islamikong pagkakaisa, pati na ng pagkakahiwalay ng mga mamamayan ng bansa at ang pag-aalala ng mga ito sa mga suliranin maliban sa mga pansimulang naging sanhi, dagdag pa ng pahayag.
Ang usapin tungkol sa Palestina ang kaibuturang usapin, at ang suliranin ng Al Quds (Jerusalem) ang pinagbabatayan ng sanhing ito, at ang banal na Moske ng Al Aqsa ang pinakadiwa ng suliraning Jerusalem, ayon sa pahayag.
‘Ikinalulungkot at isinusumpa ng Islamikong Kongreso ng Jerusalem ang mga pag-atakeng ito sa mga pasukan patungo sa banal na Moske ng Al Aqsa, lalung-lalo na ang pag-umpisa nitong tulay na bakal na magpapahintulot sa mga Hudyo na pumasok sa mga patio ng Moske upang isagawa ang kanilang mga seremonyang pangrelihiyon ng walang kahirap-hirap,’ sinabi sa pahayag, sabay ang pagpuna na ang mga paglusob na ito ay alinsunod sa pamamaraan ng mga awtoridad ng mga mapanakop na Zionista upang maitatag ang daan tungo sa Moske at igiit ang naganap nang dahil sa kawalan ng anumang balakid mula sa mga Arabong, Islamikong o pandaigdigang puwersa.






764243
Name:
Email:
* Comment: