IQNA

19:07 - March 25, 2017
News ID: 2097988
Ang pagpapahina ng katayuan ng mga Muslim na Shia ng Lebanon ang pangunahing layunin sa pagdukot kay Imam Musa Sadr, sinabi ng isang eksperto sa Gitnang Silangan.
Si Mohammad Ali Mohtadi ay nagsalita sa ika-13 na edisyon ng pagpupulong na ipinamagatang “Paglalarawan ng Paghihiwalay” noong Miyerkoles, ika-9 ng Marso. Ang pagpupulong ay ginanap sa Tehran sa okasyon ng ika-12000 na araw mula nang pagkawala ni Imam Musa Sadr.

Ayon kay G. Mohtadi, dalawang pananaw ang mayroon ukol sa pagdukot kay Imam Musa Sadr. Ang isa ay tungkol sa kanyang katayuan at ang kanyang naging papel sa Islamikong Rebolusyon. “Alam ng lahat ang kanyang naging malapit na kaugnayan kay Imam Khomeini (r.a.).” Nagsulat siya ng artikulo na pinamagatang “Landas ng mga Propeta” kung saan tinukoy niya ang Islamikong Rebolusyon bilang rebolusyon ng sangkatauhan at hinikayat niya ang lahat ng mamamayan ng mundo na suportahan ito. Kung kaya’t ang pag-alis ng isang dakilang tao na sumusuporta sa Islamikong Rebolusyon ang pinaniniwalaang pangunahing layunin sa pagdukot sa kanya.

“Ang pangalawang pananaw ay nagsasabing si Imam Musa Sadr ay nakapagtatag ng isang kilusan sa Lebanon kung saan natakot ng maigi ang mga kalaban. Kung kaya’t kinailangan nilang bawian ang Lebanon ng isang maimpluwensiyang tao.”
Si Adel Oun, kawani ng Kilusang Amal ng Lebanon ay isa rin sa mga nagsalita sa pagpupulong at nagbigay na salaysay sa mga naging teroristang krimen na nagawa ng diktador ng Libya na si Muammar Gaddafi.
Ang pagpupulong ay inorganisa ng Instituto ni Imam Musa Sadr para sa Pang-kulturang Pagsasaliksik, kasama ang Munisipyo ng Tehran, ang Ministeryo ng Panglabas na Abal, Ministeryo na Pang-kultura at Islamikong Pamamatnubay, ang Pangloob na Ministeryo, ang Kilusang Amal ng Lebanon at ilan pang mga instituto.

761625
Name:
Email:
* Comment: