IQNA

8:12 - May 18, 2017
News ID: 2123860
Ang paglapastangan sa mga moske at ang pagsunog ng Banal na Qur’an sa Bahrain ng rehimeng Al-e Khalifa ang nagbunyag ng tunay na kulay ng rehimen, ayon sa isang pampulitikang aktibista sa Bahrain.
Idinagdag ni Seyyed Hassan Musavi Bahraini na ang mga nakakapoot na mga gawaing ito na naganap sa pagsuporta ng rehimeng Al-e Saud, ay nagpakita na ang mga rehimeng ito ay Islamiko sa pangalan lamang.
“Pagkatapos ng Pebrero 14, ang Al-e Khalifa at Al-e Saud ay pumasok sa pusali na hindi nila kayang labasan. Sa pamamagitan ng pagsira ng mga moske at sa paglapastangan sa Qur’an, na taliwas sa mga prinsipyo ng Islam, karunungan at karaniwang batas, patuloy silang lumulubog sa pusali.”
Tinukoy din niya ang hindi patas na patakaran ng US at UK sa harap ng mga kaganapan sa rehiyon at sinabing ang pagkukunwaring banal ng mga mapanakop na kapangyarihan tungkol sa Intifada ng mga mamamayan ng Bahrain ay kitang-kita.
Dahilan sa lumalagong kamalayan ng publiko sa panahon ng impormasyon at teknolohiya, hindi na kayang panatilihin sa dilim ng mga mapanakop ang mga tao tungkol sa kanilang di-patas na patakaran, idiniin niya.
Sinabi niya na ang pandaigdigang kampanyang sumusuporta sa Intifada ng mga mamamayan sa Bahrain ay kinakailangang maging maayos at magkaugma sa pinag-isang pamamaraan. Ang mga pagpapalaganap ng kamalayan ay dapat na linawin sa mga tao at ang suporta ng publiko at ang puwersa mula sa ibayong-dagat laban sa mga rehimen ng Al-e Khalifa at Al-e Saud ay dapat na magpatuloy.
“Nakita natin ang malawakang pagpapahayag sa iba’t-ibang lungsod at bansa sa mundo, kabilang dito ang malaking pagtitipon sa US na sumusuporta sa mga mamamayan ng Bahrain.”
Tinukoy niya ang Hadith ng Banal na Propeta Muhammad (N.P.S.K.S.P.), “Ang sino mang bumangon sa umaga na walang pakialam sa mga nangyayari sa ibang mga Muslim ay hindi Muslim,” at nanawagan sa ibang mga bansang Muslim na suportahan ang pag-aalsa sa Bahrain.
790100
Name:
Email:
* Comment: