IQNA

8:00 - May 23, 2017
News ID: 2126716
Nang dahil sa kaisipan at turo ng Shia, ang bansang Iran ang nanguna sa Islamikong pagkamulat sa mundo, sinabi ng tagapayo para sa pandaigdigang pakikipag-usap ng Kataas-taasang Pinuno.
Nagsalita si Dr. Ali Akbar Velayati noong ika-2 ng Mayo sa pagpupulong sa Tehran sa paggunita kay Martyr Motahhari.
Sinabi niyang si Martyr Motahhari ay isang abenderado ng pagkakamulat sa Islam. “Napakahalaga ng kanyang papel sa iba’t-ibang larangan lalung-lalo na sa pagkamulat sa Islam at sa pagtataguyod ng mga Islamikong pag-aalsa.”
Sinabi ni Dr. Velayati na si Martyr Motahhari ay isa sa mga haligi ng kilusan ng Islamikong rebolusyon. “Sa umpisa ng kilusan ni Imam Khomeini (RA) noong 1961 hanggang sa pagwawagi ng Islamikong rebolusyon noong 1978, si Martyr Motahhari ay nagkaroon ng mahalagang papel.”
Sa pagpuna niya na ang kasaysayan ng Islamikong pagkakamulat ay bumabalik sa 200 taong nakalipas, sinabi niyang, “Ito yung panahong ang kolonyalismo ay sumasalakay sa mga Islamikong bansa. Ang pagsalakay ni Napoleon sa Ehipto noong 1798, ang giyera ng Ruso sa Iran at ang pagdumina ng Britanya sa India ay ilan lamang sa mga ehemplo ng pagsalakay ng kanluran sa mundo ng Islam. Ito yung panahong lumago ang Islamikong pagkakamulat sa iba’t-ibang aspeto.”
Sinabi niya na ang paglaban sa mga tiwaling pinuno ng mga Islamikong bansa at ang pagtutol sa kolonyalismo ay ilan sa mga layunin ng mga pinuno ng kilusan ng Islamikong pagkakamulat.
Sinabi ng dating panlabas na ministro na ang bansang Iran ang nanguna sa Islamikong pagkakamulat sa buong mundo, dahil sa Islam pati na sa pangkultura, panlipunan at pampulitikang pagkakaisa.
785556
Name:
Email:
* Comment: