IQNA

10:48 - September 18, 2019
News ID: 3000948
TEHRAN (IQNA) - Inilarawan ng kinatawan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon sa Hajj at Paklalakbay na mga Kapakanan na ang pagganap ng delegasyong Qur’anikong Iraniano sa panahon ng Hajj sa ngayong taon bilang na kahanga-hanga.

Sa pakikipag-usap sa IQNA, si Hojat-al-Islam Seyed Abdol Fattah Navab, nagsabi na ang mga kasapi ng delegasyon ay nagbasa ng Qur’an sa napakagandang tinig sa Malaking Mosque sa Mekka at sa Propeta (s.k.n.k.) Mosque sa Medina tuwing nakatagpo sila ng pagkakataon.

Dumalo rin sila sa mga programang Quraniko doon sa Propeta (s.k.n.k.) Mosque na inayos ng mga Saudi, sinabi niya.

Bawat taon milyon-milyong mga Muslim mula sa buong mundo ang nagtitipon sa banal na lungsod ng Mekka para sa taunang Hajj.

Nagpapadala din ang Iran ng mga peregrino pati na rin ang mga pangkat ng mga aktibista sa Qur’an, na kilala bilang ang Noor Kumboy.

Ang mga miyembro ng delegasyon ay nagsagawa ng mga programang Qur’aniko, kasama ang mga sesyon ng pagbabasa ng Qur’an, para sa mga peregrino ng Hajj.

Ang pinuno ng Iran ng Samahan ng Hajj at Paklalakbay na si Ali Reza Rashidan ay nagsabi noong nakaraang linggo na kabuuang 88,555 na mga Iraniano ay nagsagawa ng Hajj sa Saudi Arabia sa panahon ng 2019 Hajj.

 

http://iqna.ir/fa/news/3842539

Name:
Email:
* Comment: