IQNA

10:19 - March 01, 2021
News ID: 3002569
TEHRAN (IQNA) - Ang Bangladesh ay "walang katungkulan" na magsilong ng 81 na mga taong takas na Muslim na Rohingya na lumutaw nang halos dalawang mga linggo sa Karagatan nga Andaman Dagat at tinulungan ng karatig na India, sinabi ng panlabas na ministro ng Bangladesh na si A.K. Abdul Momen.

Natagpuan ng bantay ng baybayin ng India ang mga nakaligtas at walong namatay na nakamanhid sa isang bangkang pangingisdaan at sinusubukan na ayusin para dalhin sila sa Bangladesh, sinabi ng mga opisyal ng India noong Biyernes. Habang pinapakain ang mga taong takas at binibigyan sila ng tubig, hindi binabalak ng India na dalhin sila sa pampang.

Ngunit sinabi ni Momen sa Reuters sa huli ng Biyernes na inaasahan ng Bangladesh na tanggapin sila ng India, ang pinakamalapit na bansa, o Myanmar, ang bansa o pinagmulan ng mga Rohingya.

"Hindi sila mga mamamayan ng Bangladesh at sa katunayan, sila ay mga mamamayan ng Myanmar. Natagpuan silang 1,700 km (1,100 milya) ang layo mula sa teritoryong karagatan ng Bangladesh at samakatuwid, wala kaming katungkulan na kunin sila," sinabi ni Momen, sino nasa Estado Unidos.

"Matatagpuan sila 147 km (91 milya) ang layo mula sa teritoryo ng India, 324 km (201 milya) ang layo mula sa Myanmar," sinabi niya sa pamamagitan ng telepono, na idinagdag na ang ibang mga bansa at mga samahan ay dapat alagaan ang mga taong takas.

Ang mga opisyal ng kagawaran ng panlabas ng India ay hindi kaagad makamtan para sa puna.

Ang New Delhi ay hindi pumirma sa Kapulungan ng Taong Takas noong !951, na binibigkas ang mga karapatan ng mga taong takas at mga tungkulin ng estado na protektahan sila. Wala rin itong batas na pagtatanggol sa mga taong takas, bagaman kasalukuyan itong nagpunong-abala ng higit sa 200,000 kasama na ang ilang Rohingya.

Mahigit sa 1 milyong mga taong takas ng Rohingya mula sa nakararaming Buddhista na Myanmar ay naninirahan sa mga kampo ng mga nakakaraming Muslim na Bangladesh, kasama ang sampu-sampung libo sino tumakas matapos ang militar ng Myanmar na nagsagawa ng nakamamatay na paghihigpit noong 2017.

Ang mga mangangalakal ay madalas na akitin ang mga taong takas na Rohingya na may pangako ng trabaho sa mga bansa sa Timog-silangang Asya katulad ng Malaysia.

Ang ahensya ng taong takas ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations), UNHCR, ay nagpahayag ng alarma ngayong linggo tungkol sa nawawalang bangka.

WALANG 'PANDAIGDIGANG KASUNDUAN' NA TULONGAN ANG MGA TAONG TAKAS

Ang mga taong takas ay naaanod sa mga karagatang pandaigdigan matapos na umalis sa timog ng Bangladesh noong Peb. 11 sa pag-asang makarating sa Malaysia.

Noong Sabado, nasa ilalim sila ng tulong at pagmamasid ng India habang ang mga opisyal ay nagsagawa ng mga pag-uusap upang ibalik sila sa Bangladesh.

Ang bangka, na kung saan ay naglayag mula sa malawak na kampo ng mga taong takas sa Cox's Bazar, ay nagdadala ng 56 na mga kababaihan, walong batang mga babae, 21 mga kalalakihan at limang batang lalaki.

 

Marami sa mga nakaligtas, ayon sa mga opisyal ng India, ay may sakit at nagdurusa mula sa matinding pagkatuyot, na naubusan ng pagkain at tubig matapos mabigo ang makina ng bangka apat na mga araw sa kanilang paglalakbay.

"Nabigyan ba ng kasunduan at tungkulin na pandaigdigan ang Bangladesh na kunin at papanibaguhing-buhay ang lahat ng mga Rohingya o mga tao sa bangka sa buong mundo?" Sinabi ni Momen. "Hindi, at hindi talaga."

Sinabi ni Momen na dapat ding katungkulan ng UNHCR ang halos 47 na mga katao sa bangka na may mga ID ng pagkakilalan mula sa tanggapan ng UNHCR sa Bangladesh na nagsasaad na sila ay mga bakwit na mamamayan ng Myanmar.

"Kung (ang mga taong takas) ay mayhawak ng kard ng UNHCR, bakit pinayagan nila ang mga mangangalakal na kunin ang kanilang mga may hawak ng kard na lumayo sa malalim na karagatan na humahantong sa kamatayan?"

Ang mga opisyal ng UNHCR ay hindi kaagad makamtan para sa puna.

 

 

3474104

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: