IQNA

5:03 - May 05, 2021
News ID: 3002757
TEHRAN (IQNA) - Naglunsad ang Samahan ng Islamikong Kultura at Kaugnayan ng isang 3D onlayn na pagtatanghal ng Qur’an.

Ayon sa website ng ICRO, ang pagtatanghal na birtuwal ay itinatag sa pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan bilang bahagi ng mga aktibidad na Qur’aniko at Islamikong Pagpapaunlad ng Samahan.

Nagtatampok iyon ng mga gawaing sining na Qur’aniko at Islamiko sa tatlong mga kategorya ng "Qur’anikong Kaligrapya", "Qur’anikong Kaligrapyang Pagpipinta" at "Islamikong Maliit na Modelo at Tazhib na mga Sining".

Ang mga nais magbisita sa pagtatanghal ay maaaring mag-log on sa https://negargar.com/artist/181/exhabition/49-Quran-exhibition.

Ang Ramadan ay ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islamiko. Ito ay panahon ng pagdarasal, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa at pananagutan sa sarili para sa mga Muslim sa buong mundo.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay mag-aayuno (umiwas sa mga pagkain at mga inumin) mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw.

Naglaan din sila ng isang malaking panahon sa buwang ito sa pagbabasa at pag-iisip sa Qur’an.

 

 

3474623

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: