IQNA

9:46 - July 01, 2021
News ID: 3002929
TEHRAN (IQNA) - Ang ika-10 sesyon ng Pangkalahatng Assembliya ng Unyon ng Islamikong Radyo at Telebisyon na may temang "Hustisya ng Media at Kalayaan ng Pagsasalita," ay nagsimula sa Tehran noong Martes.

Si Ali Karimian, ang Kalihim-Heneral ng Unyon ng Islamikong Radyo at Telebisyon (IRTU), ay nagsalita sa ikasampung pangkalahatang pagtitipon ng unyon, na alin may temang "Hustisya ng Media at Kalayaan ng Pagsasalita."

Sinimulan niya ang kanyang pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa mga kaluluwa ng mga martir ng Islamikong mundo, lalong-lalo na, sina Martyr Haj Qassem Soleimani at Abu Mahdi Al-Mohandes.

Nagpaabot din si Karimian ng isang mainit na maligayang pagdating sa kilalang mga dadalo ng kumperensya. "Ang hustisya sa media at kalayaan sa pagpapahayag ay kabilang sa pangunahing mga layunin ng Unyon ng Islamikong Radyo at Telebisyon," sinabi ni Karimian, na pinapaliwanag ang salawikain ng Pangkalahatang Pagtitipon, na idinagdag na ang ilang tiyak na mga gobyerno ay nagtatangkang sakupin ang pamamahala sa mga palabasa ng media sa buong mundo at alisan ang iba sa kanilang likas na karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag batay sa maling mga paratang at walang sinuman ang may awtoridad na higpitan ang pangunahing karapatang ito. Ang pagtanggi sa mga taong naghahanap ng matapat na impormasyon at mga produktong moral na media ay isang kilos ng kawalan ng katarungan sa lipunan at paniniil. Ang mayabang na mga bansa ngayon ay tumatanggi na payagan ang mga soberenyang bansa na gumamit ng imprastraktura ng media, habang idinidikta kung paano dapat isipin at ilarawan ng media at mga mamamahayag ang pandaigdigang mga kaganapan, ayon kay Karimian.

Sumangguni sa kamakailang pag-agaw ng maraming mga website na Islamiko sa pamamagitan ng mga opisyal na Amerikano, sinabi ni Karimian na ang konsepto ng kalayaan sa pagsasalita ngayon ay isang pakana lamang sa mga kamay ng pandaigdigang kayabangan upang takutin at ipataw ang mga ideolohiya nito. Ang Kalihim-Heneral ng IRTU ay nagpatuloy sa pagsasabi na ang pagyayabang sa buong mundo ay tinanggal ang maraming mga website na Islamiko sa pamamagitan ng hindi makatuwiran at labag sa batas na pamamaraan. "Ang pagtanggal ng maraming mga Islamikong TV tsanel mula sa mga satelayt at pag-agaw ng maraming mga website na kaakibat ng IRTU ay mga halimbawa ng mga paglabag sa malayang pagsasalita," sinabi niya.

Iginiit ulit ni Karimian na ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi maaaring gamitin bilang sandata ng US at ng Kanluran, ni maaari itong magkaroon ng dalawahang interpretasyon. "Habang kinokondena natin ang mga Amerikano sa kanilang labag sa batas at imoral na pag-uugali, ipinahayag natin na ang ganong hangal, mapusok, at hindi makatuwirang kilos ay hindi makakapigil sa kanilang panghuli na pagbagsak at hindi makakasira sa ating pagpapasiya. Mas malakas tayong maglaban kaysa noong nakaraan” nagbigay diin ni Karimian. "Hindi tayo maaaring manahimik sa harap ng pagpatay ng lahi ng rehimeng Zionista laban sa mga batang Palestino at ang pagpatay sa inaapi na bansa ng Yaman," dagdag ni Karimian, na tumutukoy sa mga krimen na ginawa ng mga pamahalaang Kanluranin.

"Hindi tayo makatiis at manuod ng mga mersenaryo na gumagawa ng mga krimen sa Afghanistan, pati na rin ang pagkamartir ng mga inapi na mga mag-aaral. Hindi tayo maaaring manahimik habang ang mga gobyerno ng US at Zionista ay gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen sa Syria, Iraq, Palestine, at iba pang mga bansa," sinabi ni Karimian.

Kahit na tangkain nila na tayo ay patahimikin, dapat tayong magpatuloy sa pag-brodkas sa buong mundo ng dakilang mga nagawa ng Paglaban na Pangkat sa 12-araw na labanan sa Gaza, ang kamangha-manghang pagkakaroon ng mga taong Syriano sa mga halalan, at ang malaking tagumpay ng mga taong Iraniano sa nagdaang mga halalan sa pagkapangulo. Dahil ang ating katahimikan ay katumbas ng ating pagkamatay,” ang pagpatuloy sa pagsasabi ni Karimian.

“Ang mga aral na panrelihiyon ay nagturo sa atin na tumayo sa panig ng mga kaawa-awa at laban sa mga mapang-api. Tayo, ang mga naniniwala, ay bababa sa kasaysayan bilang mga imortal sa larangan ng media, at pandaigdigan na pangingibabaw at Zionismo ay huli na bumagsak," sinabi ng Kalihim-Heneral ng IRTU. Sa kanyang pagsasara na pahayag, si Karimian nagpahayag ng papasalamat sa lahat ng mga tumulong sa pag-aayos ng kumperensya, pati na rin ang Islamic Republic of Iran Broadcasting (IRIB) at ang kilalang mga kalahok.

 

 

3475105

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: