IQNA

7:13 - October 27, 2021
News ID: 3003310
TEHRAN (IQNA) – Ang Iranianong Sentron Pangkultura sa New Delhi ay nagsagawa ng isang paligsahan sa Qur’an na nilahukan ng 40 na mga mambabasa [Qari] at mga magsasaulo mula sa 11 na mga estado ng India.

Ito ang ika-22 na edisyon ng paligsahan at ginanap sa pagdiriwang ng Linggong Pagkakaisang Islamiko at kaarawan ng Banal na Propeta (SKNK) at Imam Sadiq (AS).

Tatlong Iranianong mga dalubhasa sa Qur’an, sina Mo'taz Aghaei, Aslinejad at Saeedian ang nangasiwa sa kaganapang Qur’aniko, na alin nagsimula noong Biyernes at nagtapos noong Linggo.

Sa isang talumpati sa pagdaraos ng pagsasara ng paligsahan, sinabi ng Iranianong Kinatawan sa Pangkultura na si Mohammad Ali Rabbani na ang Qur’an ang pinakamatibay na paikutan ng pagkakaisa at pagkakasundo sa lahat ng Islamikong mga paaralan ng pag-iisip.

Nagsalita din sa pagdiriwang ang Indianong Shia na iskolar na si Mawlana Shimshad sino inilarawan na ang Qur’an at ang Sīrah ng Banal na Propeta (SKNK) bilang pinagmumulan ng lahat ng mabubuting mga bagay.

Sa pamamagitan ng paggamit sa Qur’an at Sīrah, makakamit ng mga Muslim ang kaligtasan, sinabi niya.

Ang pagdiriwang ng pagsasara, kung saan ang mga nanalo sa paligsahan ay inanunsyo at pinarangalan, kasama rin ang pagbigkas ng Qur’an ni Mo'taz Aghaei at pagbigkas ng papuri ng isang mag-aaral sa seminaryo ng India.

 

 

3476198

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: