IQNA

Ang mga Buhay ng mga Propeta Ipinakita sa Pagtatanghal 2020 sa Dubai (+Video)

6:40 - November 17, 2021
News ID: 3003397
TEHRAN (IQNA) – Ang Samahan ng Mundong Muslim ay nagsasagawa ng isang pagtatanghal tungkol sa mga buhay ng mga propeta sa bulwagan nito sa Pagtatanghal 2020 sa Dubai.

“Ang mga Propeta Katulad na Nakita Ninyo Sila” ginagamit ang pinakabagong teknolohiya para ipakita ang mga talambuhay ng mga banal na propeta at mga mensahero.

Binibigyang-liwanag nito ang mga mensahe ng kapayapaan, pag-ibig, pagmamahal, pagpaparaya, magkakasamang mamumuhay, at sangkatauhan na dinala nila sa mundo.

Itinatampok din nito ang marangal na mga kagandahang-asal ng Propeta Muhammad (saww) at ang pagiging masaklaw at kagandahan ng pandaigdigang mensahe ng Islam.

Ang mga Buhay ng mga Propeta Ipinakita sa Pagtatanghal 2020 sa Dubai (+Video)

Ang 25 na mga propeta at mga mensaherong binanggit sa Qur’an ay ipakikilala sa limang magkakaibang mga wika: Arabiko, Inggles, Pransiya, Hudeyo, at Indonesiano.

Matututuhan ng mga bisita ang tungkol sa mga titulo, mga palayaw, mga katangian, mga kagndahang-asal, mga pagkabata, mga kamag-anak, mga aklat na ipinahayag sa kanila sa mga propeta, mga himalang ginawa nila, at mga wikang sinasalita nila.

Gumagamit ang pagtatanghal ng digital na teknolohiya sa iba't ibang mga wika upang dalhin ang mga bisita sa ibang mundo, na nagbibigay ng sinematiko na karanasan na pinahusay ng LED na mga iskrin na nagdadala ng mga bisita sa puso ng kilos, na parang sinasamahan nila ang mga propeta sa kanilang mga buhay.

Ang mga Buhay ng mga Propeta Ipinakita sa Pagtatanghal 2020 sa Dubai (+Video)

Kabilang dito ang isang kampanya na tinatawag na "Islam ay isang Relihiyon ng Kapayapaan" at nakatuon sa makataong pag-uugali ng mga propeta, lalong lalo na si Propeta Muhammad (saww).

Isang inter-aktibo na pader ng LED - "Inyong Mensahe sa Sangkatauhan" - ay naglalayong alisin ang mga paghahati sa lahi, pangingibawan ang negatibong mga salungatang pangkultura, at pagpapalalim sa palagay ng karapatan ng mga tao na mamuhay nang may dignidad at kalayaan, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng magkakasamang mamumubuhay.

Maaaring mag-iwan ang mga bisita ng video na mensahe na magiging bahagi ng isang inter-aktibo na nakapinta sa pader. Ito ay magtataglay ng mga lagda ng mga bisita at mga mensahe ng pagmamahal, pagpaparaya at pagtanggap ng iba.

Ang ikalawang palapag ng bulwagan ng MWL ay naglalaman ng mga modelo ng Makkah at Madinah, bukod sa iba pang mga pagpapakita.

 

 

3476504

Name:
Email:
* Comment:
captcha