IQNA

9:08 - November 24, 2021
News ID: 3003428
TEHRAN (IQNA) – Ang mga pag-uusap ay ginawa sa pagitan ng Unibersidad na Pandaigdigan ng Al-Mustafa kasama ang Astan (tagapangalaga) ng Imam Hussein (AS) para sa pagdaraos ng Qur’anikong mga kaganapan at mga kumpetisyon.

Ang pinuno ng Qur’aniko at pangkultura na mga aktibidad ng unibersidad na si Sheikh Akram al-Na'mani ay nakipag-usap sa pinuno ng Sentro ng Dar-ol-Qur’an ng Astan ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) sa Karbala na si Sheikh Khairuddin al-Hadi.

Ang pagpupulong ay ginanap alinsunod sa mga pagsisikap na bumuo ng mga programang Qur’aniko, ayon sa sentro ng media ng Astan.

Tinalakay ng mga panig ang magkasanib na kooperasyon para sa pagtatanghal ng mga aktibidad sa Qur’an na nababagay sa Iraq.

Pinupuri ni Al-Na'mani ang mga plano at mga tagumpay ng sentro na naglalayon sa paglilingkod sa Qur’an.

Sinabi niya na ang mga panig ay nagkasundo sa pagdadaraos ng isang kapistahang Qur’aniko na kinabibilangan ng mga kumpetisyon sa pagsasaulo, pagbigkas, Tafsir at Adhan na mga kategorya.

 

 

3476617

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: