IQNA

8:09 - November 28, 2021
News ID: 3003441
TEHRAN (IQNA) – Ang Unibersidad na Islamiko sa Uganda ay nagpahayag ng kahandaang pahusayin ang pakikipagtulungan sa mga unibersidad ng Iran.

Ang kinatawan ng pangkultura ng Iran sa Uganda na si Mohammadreza Qezelsoflam ay nakipagpulong at nakipag-usap kay Dr. Kasozi Idris, ang Kinatawang Patnugot ng Kampus. Tinalakay ng mga panig ang mga paraan upang palalimin ang pakikipagtulungan ng dalawang panig sa mga larangang pang-agham, pang-edukasyon at pangkultura.

Itinuro ang siyentipikong paglago ng Iran, sinabi ni Kasozi Idris na ang Unibersidad na Islamiko sa Uganda ay handa na palakasin ang dalawang panig na kooperasyon sa mga unibersidad ng Iran at tanggapang pangkultura sa kaugnay na mga larangan.

Sinabi niya na ang unibersidad ay nag-aalok ng associate digre, BA at MA sa Islamikong mga pag-aaral, wikang Arabiko, mga agham na medikal, batas, sininhg, at mga agham na panlipunan bukod sa iba pa.

Ang ilan sa mga mag-aaral ay sabik na sabik na ipagpatuloy ang pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo na edukasyon sa mga unibersidad sa Iran.

Para sa kanyang bahagi, binanggit ng Iranianong sugo ang ugnayang pangkaibigan sa pagitan ng Islamikong Republika ng Iran at Uganda, na binanggit na ang tanggapang pangkultura ay handa na ipatupad ang mga naunang kasunduan sa pagitan ng dalawang mga bansa para sa pagpapalitan ng mga mag-aaral at mga akademya, nag-aalok ng mga gawad na pang-edukasyon, pagsuporta sa mga tesis na may kaugnayan sa Islam at Iran, pagdadaraos ng mga seminar, mga gawaan, at mga eksibisyon at pagtatag ng mga kurso sa pagsasanay sa wikang Persiano.

 

 

3476676

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: